Boracay Rhum lalapit sa quarters Ni ATan

MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng Bora­cay Rhum ang ikaapat na sunod na panalo sa pag­­bangga sa Big Chill sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’s Cup ngayon sa San Juan gym.

Nakabawi na ang Wa­ves mula sa 1-2 start at nga­yon ay nasa ikaapat na puwesto sa 11-koponang liga.

Galing sa 72-68 panalo ang Waves sa DUB Unli­mited kamakalawa upang manatilng matibay ang paghahabol ng koponan sa puwesto sa quarterfinals.

Kung manalo pa ay ta­tatag ang pagtangan sa ikaapat na puwesto ng tropang hawak ni coach Lawrence Chongson.

“Hindi pa kami naka­ka­tiyak ng puwesto sa quarterfinals kaya kailangang magpatuloy ang aming magandang inilalaro,” ani coach Lawrence Chongson.

Ang Big Chill na may 4-3 baraha ay mangangaila­ngan din ng panalo para mapabilang sa apat na koponan na maglalaro sa quarterfinals.

Unang bakbakan ay sa pagitan ng RnW Paci­fic Pipes laban sa Cobra Ener­gy Drink sa ganap na alas-2 ng hapon.

Show comments