^

PSN Palaro

Vertek palaban sa MM National Finals

-

MANILA, Philippines - Kabuuang 460 top runners, kasama rito ang mga foreign long distance experts, ang mag-aagawan para sa championship title at top purse na P 300,000 sa 35th National Milo Ma­­rathon Finals sa Linggo sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nakapasa ang 410 men at 50 women sa age group qualifying time ng 42.195k at 21k elimination legs na inilunsad sa 17 ma­jor cities na tinampukan ng mga pinakamatatandang 21k qualifiers mula sa Cebu na sina Rening Ylaya (76-anyos) at Shiela Colmenares (56-anyos).

 Inaasahang makikipag­laban ang mga local bets kontra sa mga Ethiopian at Kenyans.

 Idedepensa ni 3-time National MILO Marathon titlist Eduardo Buenavista, nabigong manalo ng gintong medalya sa naka­ra­ang 26th Southeast Asian Games sa Indonesia bu­nga ng dehydration, ang kanyang korona.

Ang 33-anyos na si Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato ay ang kasalukuyang record hol­der ng MILO Marathon mula sa kanyang bilis na 2:18:53.

Makakasabayan ni Buenavista si Ethiopian runner at first time Milo Ma­rathon participant Mikael Tesfaye, nagsumite ng pinakamabilis na tiyempong 1:09:31 sa 21-km elimination leg sa Cebu City.

Si two-time National MILO Marathon Queen Jho-Ann Banayag ang record holder sa women’s division sa kanyang 2:48:06 na kanyang itinala sa 2006 National Milo Marathon Finals. 

BUENAVISTA

CEBU CITY

EDUARDO BUENAVISTA

MALL OF ASIA

MARATHON QUEEN JHO-ANN BANAYAG

MIKAEL TESFAYE

MILO MA

NATIONAL MILO MA

NATIONAL MILO MARATHON FINALS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with