Diretsong 4 sa Lady Altas sa NC volley

MANILA, Philippines - Idinagdag ng University of Perpetual Help System Dal­ta ang Jose Rizal University sa mga koponang pina­taob sa idinadaos na 87th NCAA women’s volleyball kahapon sa Letran Gym.

Hindi napigil ang malakas na opensa ng Lady Stags ang depensa ng Lady Bombers para kunin ang 25-18, 25-12, 25-19, tagumpay at maisulong ang nangungunang karta sa 4-0 baraha.

Nalaglag ang JRU sa ikaapat na sunod na kabiguan upang malagay sa peligro ang paghahangad na magkaroon ng disenteng pagtatapos.

Samantala, kinuha naman ng Altas ang ikatlong sunod na panalo sa men’s volleyball sa pamamagitan ng 25-18, 25-10, 25-19, panalo sa Heavy Bombers upang makasalo uli ang pahingang College of St. Benilde sa unang puwesto.

 Matibay ang hangarin ng host na walisin ang tatlong dibisyon sa volleyball dahil ang Junior Altas ay hindi pa rin natatalo sa kanilang nilalaruang kategorya.

Show comments