Rivera, Clutario umusad sa top 24 sa World Cup

MANILA, Philippines - Buhay na buhay ang paghahangad nina dating World champion Biboy Rivera at Liza Clutario na manalo sa Qubica AMF Bowling World Cup na ginaganap sa Northcliff Bowling Center sa Johannesburg, South Africa.

Ito ay matapos makapasok ang dalawang bowlers mula sa Pilipinas sa Top 24 bowlers na umabante sa su­munod na yugto ng kompetisyon.

Si Rivera na pumangalawa sa kompetisyon noong na­karaang taon ay nagtala ng kabuuang 4,613 puntos matapos ang 20 games para malagay sa pang-anim na puwesto sa kalalakihan habang si Clutario ay may 4,367 at nasa ikalimang puwesto sa kababaihan.

Abante sa men’s division si Tommy Jones sa kan­yang 4903 puntos o 245 average habang ang nagdedepensang kampeon sa kababaihan na si Aumi Guerra ng Dominican Republic ay may 4863 puntos o 243.15 average para malagay sa unang puwesto sa kanilang hanay.

Ang walong mangungunang bowlers sa magkabilang dibisyon matapos ang 28-games ang papasok sa Last 8 na siyang maglalaban-laban para sa kampeonato sa 47th edisyon ng torneo.

Show comments