^

PSN Palaro

Reyes-Amit tandem kampeon sa World Mixed Doubles Classic

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipinakita uli nina Efren “Bata” Reyes at Rubilen “Bingkay” Amit ang husay sa paglalaro ng bilyar nang hirangin uli bilang kampeon sa World Mixed Doubles Classic sa Hangzhou, Chi­na.

Hindi umubra ang tambalang Johnny Archer at Jeanette Lee ng US matapos iuwi nina Reyes at Amit ang 10-6 panalo sa finals na ginanap noong Biyernes.    

Ang tagumpay ay nag­panatili sa Pilipinas ng kampeonato sa World Mixed Doubles na unang dinomina noong 2009 nang talunin sina Charlie Williams at Eun Ji Park.

Halagang $15,000 ang premyong paghahatian ng dalawang Filipino cue-artist at pinawi ng panalo ang di magandang kampanya sa 26th SEA Games sa Indonesia.

Umani lamang ng da­la­wang bronze me­dals si Reyes sa larangan ng 1-cushion at 3-cushion singles sa carom habang naisuko ni Amit ang mga hawak na titulo sa women’s 8-ball at 9-ball singles.

Nakapasok sa semifi­nals sina Reyes at Amit nang pagpahingahin sina Li He Wen at Chen Siming ng host China sa dikitang 9-8 panalo.

Umabot sa 16 koponan ang lumahok sa edisyong ito at si Reyes ang lalabas sa kasaysayan na pinakamatandang cue artist na nanalo sa open tournament sa edad na 56.

BATA

CHARLIE WILLIAMS

CHEN SIMING

EUN JI PARK

JEANETTE LEE

JOHNNY ARCHER

LI HE WEN

REYES

WORLD MIXED DOUBLES

WORLD MIXED DOUBLES CLASSIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with