^

PSN Palaro

Zamora humataw ng 2 gold; QC tuloy sa pananalasa sa pool

-

MANILA, Philippines - Humataw ng dalawang ginto ang dating Palarong Pambansa medallist na si Nina Carmela Zamora sa badminton sa idinadaos na NCR elimination ng 2011 Ba­tang Pinoy kahapon sa iba’t-ibang lugar sa Makati City.

Ang 13-anyos na si Za­mora na ngayon ay isang second year high school student sa St. Scholastica College-Manila ay nanalo laban kay Judy Arellano, 21-8, 21-5, tungo sa girls singles title bago nakipagtulungan kay Nenita Romero upang hiyain sina Arevalo at Dizenzy Santos, 21-10, 21-5, sa girls doubles finals na nilaro sa Zone.

“I’m so happy because I made it to the national finals,” wika ni Zamora, nanalo ng bronze medal noong 2009 Palaro at kasalukuyang num­ber 5 junior player ng bansa base sa PBAR Ranking ng Philippine Badminton Association.

Nagpatuloy naman ang pag-ani ng medalya ng Quezon City sa pool events nang manalo ng anim sa walong events na pinaglaba­nan sa Makati Aquatics Center sa Quezon City.

Sina Alberto Batungbakal at Baron Ong ay sumungkit ng tig-dalawang ginto habang ang boys at girls 200m freestyle relay team ang naghatid pa ng dalawang ginto.

Si PSC commissioner Chito Loyzaga ang siyang naggawad ng medalya sa mga nagsipanalo sa apat na araw na torneo na inorga­nisa ng PSC katuwang ang Smart Sports, Summit Mineral Water, Negros Navigation, Aboitiz, Standard Insurance Inc., British Council, RELIV Now for Kids at Growee Multivitamins.

“Our focus is for the deve­lopment of our young athletes, but we can’t do this without the help and support of the parents and people from the private sectors who believe in the project,” wika ni Loyzaga.

 Ang mga nanalo ng ginto at pilak ay aabante sa National Finals na itinakda mula Disyembre 10 hanggang 13 sa Naga City.

Ang hulling regional eli­mination ay gagawin sa Sta. Cruz, Laguna para sa Southern Tagalog mula Disyembre 4 hanggang 7.

BARON ONG

BRITISH COUNCIL

CHITO LOYZAGA

DISYEMBRE

DIZENZY SANTOS

GROWEE MULTIVITAMINS

JUDY ARELLANO

MAKATI AQUATICS CENTER

MAKATI CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with