Team facilities bubuksan na para sa mga NBA squads

MIAMI — Inaasahan nang bubuksan na ngayon ang mga NBA arenas.

Sa unang pagkakataon ma­­tapos ang lock­out noong Hulyo 1, mag­babalikan na ang mga NBA pla­yers sa ka­nilang mga team facilities, ayon kay lea­gue spokesman Tim Frank.

Nagpasa na ang NBA ng memo sa mga NBA clubs para sa pagbubukas ng mga team facilities ka­sa­bay ng pagbibigay ng permiso sa mga koponang ma­kipag-usap sa mga agents simula ngayong alas-9 ng umaga.

Bagama’t hindi pa mai­aalok ang mga termino, ma­aari namang pirmahan ng mga players ang kanilang kon­trata sa Disyembre 9.

Ang mga NBA team ay maaaring magdaos ng “vo­luntary player workouts,” ayon kay Frank.

Ang mga training camps ay bubuksan hanggang Disyembre 9 at ang regular season ay inaaasahang itatakda sa Christmas Day na magtatampok sa tatlong bigating laro.

Kasama rito ang Miami-Dallas rematch ng nakaraang NBA finals.

Isang tentative agreement ang narating ng mga team owners at players na tumapos sa loc­kout at inaasahang mag­papabalik sa mga NBA pla­yers.

Show comments