Team facilities bubuksan na para sa mga NBA squads
MIAMI — Inaasahan nang bubuksan na ngayon ang mga NBA arenas.
Sa unang pagkakataon matapos ang lockout noong Hulyo 1, magbabalikan na ang mga NBA players sa kanilang mga team facilities, ayon kay league spokesman Tim Frank.
Nagpasa na ang NBA ng memo sa mga NBA clubs para sa pagbubukas ng mga team facilities kasabay ng pagbibigay ng permiso sa mga koponang makipag-usap sa mga agents simula ngayong alas-9 ng umaga.
Bagama’t hindi pa maiaalok ang mga termino, maaari namang pirmahan ng mga players ang kanilang kontrata sa Disyembre 9.
Ang mga NBA team ay maaaring magdaos ng “voluntary player workouts,” ayon kay Frank.
Ang mga training camps ay bubuksan hanggang Disyembre 9 at ang regular season ay inaaasahang itatakda sa Christmas Day na magtatampok sa tatlong bigating laro.
Kasama rito ang Miami-Dallas rematch ng nakaraang NBA finals.
Isang tentative agreement ang narating ng mga team owners at players na tumapos sa lockout at inaasahang magpapabalik sa mga NBA players.
- Latest
- Trending