NCR athletes magpapasiklaban
MANILA, Philippines - Mga manlalaro sa NCR ang magpapasikat sa pagpapatuloy ng Batang Pinoy Regional Qualifying ngayon sa University of Makati.
Mga manlalaro mula Makati, Parañaque, Pasay, Pateros, Marikina, Manila, Malabon, Mandaluyong at Valenzuela ang magtatagisan sa loob ng apat na araw sa 12 sports disciplines na nakataya.
Ang mga mananalo ng ginto at pilak maliban sa larong tennis ay aabante sa National Finals sa Naga City mula Disyembre 10 hanggang 13.
Ito ang ikaapat na regional tournament matapos magdaos sa Zamboanga, Dumaguete at Baguio at ang huling regional qualifying ay sa Sta. Cruz , Laguna para sa Southern Luzon mula Disyembre 4 hanggang 7.
Inorganisa ng PSC at suportado ng SMART, Maynilad, Summit Mineral Water bukod pa sa ayuda ng Milo, Jollibee, Growee, Standard Insurance, The British Council, Manila Bulletin, Negros Navigation-Super Ferry at RELIV Now for Kids, layunin ng pagbabalik ng Batang Pinoy ay para makatuklas ng mga batang atleta na maipanlalaban sa Youth Olympic Games sa 2013.
- Latest
- Trending