FEU Tams wagi sa UE
MANILA, Philippines - Sa wakas nakawala na ang Far Eastern University sa kanilang kamalasan sa opening games sa UAAP women’s volleyball sa nakaraang dalawang sunod na season matapos igupo ang University of the East, 25-19, 25-14, 25-23 sa pagbabalik aksyon ng Season 74 kahapon sa The Arena sa San Juan.
Binanderahan ng bagitong si Mayjorie Rojas ang Lady Tamaraws sa pagposte ng 12 hits, na sinuportahan ng malakas na performance ni Maica Morada nang magsumite ito ng 11 puntos at tatlong blocks.
Samantala, naglista si Sam Paquiz ng 26 hits at tatlong blocks habang nagtulungan naman sina Mico Lucindo at Luis Miguel Apostol sa paghataw ng tig-11 puntos upang balikatin ang University of the Philippines sa 25-22, 18-25, 18-25, 25-23, 18-16 panalo laban sa nagdedepensang fourt time champion University of Santo Tomas sa men’s side.
Tinalo ng Ateneo ang UE, 25-16, 25-23, 25-21 sa isa pang men’s game kung saan bumandera sina Ricci Gonzales at Duane Teves sa pagkamada ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Blue Eagles.
Ipinakita ng Lady Tamaraws, may hawak ng 29 UAAP women’s crown, ang kanilang determinasyon sa season-opener na indikasyon ng pagiging seryoso para makarating sa Final Four matapos masibak sa huling dalawang season.
- Latest
- Trending