^

PSN Palaro

Mayweather Mananalo Kay Pacquiao Via Ko - Hoya

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Mananalo sa pamama­gitan ng knockout si Floyd Mayweather Jr. laban kay Manny Pacquiao.

Ito ang prediksyon ni Os­car De La Hoya kung ma­tutuloy ang sagupaan ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito.

Si De La Hoya na si­ya ring promoter ni May­weather ay kumikilos para mabuo ang pinaka-aasam na laban sa boxing.

“Mayweather has the style to beat Pacquiao and he will do it by knockout,” wika ni De La Hoya sa pana­yam ng Boxingscene.

May karapatang magsa­lita si De La Hoya dahil na­kalaban niya sina Maywea­ther at Pacquiao sa kanyang makulay na boxing career na nagsimula noong 1992 at natapos noong 2008.

 Si Pacquiao ang siyang nagparetiro sa tinaguriang Gold­en Boy matapos uma­yaw ito bago nagsimula ang ninth round dahil sa labis na pahirap na tinanggap sa Pambansang kamao.

Nauna namAng hinarap ni De La Hoya si Maywea­ther noong 2007 at natalo siya sa pamamagitan ng unanimous decision.

Itinuro pa ni De La Ho­ya ang huling laban ni Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez na isa sa mabigat na dahilan kung bakit naniniwala siyang kum­binsidong panalo ang maitatala ni Mayweather.

Nanalo si Pacquiao kay Marquez sa ikatlong pagtutuos noong Nobyembre 12 sa MGM Grand Arena gamit ang majority decision pero marami ang nagsasabing tabla o panalo si Marquez ang tamang desisyon sa laban.

Wala pang linaw sa pla­no ni Pacquiao para sa 2012 at kahit napapaulat na isinususog ang ikaapat na tagisan nila ni Marquez, ang pinal na desisyon sa bagay na ito ay gagawin sa unang buwan ng papasok na bagong taon.

vuukle comment

DE LA HO

DE LA HOYA

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MAYWEA

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with