^

PSN Palaro

Lady Stags kontra Lioness sa 87th NCAA volleyball

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng many-time women’s cham­pion San Sebastian Col­­lege-Recoletos ang mag­­karoon ng magandang pa­ni­mula sa 87th NCAA volleyball tournament sa San Beda gym.

Makakaharap ng Lady Stags ang host San Beda Lioness sa ikalawang laro sa alas-9 ng umaga sa layuning makasalo sa lidera­to ang mga nangungunang University of Perpetual Help at Arellano University.

Hindi na makakasama ng Lady Stags ang mga beteranong sina Bonsai Mirasol, Bamcie Belen at Elaine Cruz matapos mag-graduate.

Muling maglalaro para sa San Sebastian sina two-time Most Valuable Player Joy Benito, Bea Uy, Karen Berbano, Dafna Robinos at libero Mae Crisostomo.

Sasandal naman ang San Beda sa mga pambatong sina Cherry Qui­zon, Coline Malana, Janine Mar­ciano, Ces Molina at Mona Diolazo.

Ang San Beda Red Cubs ang unang masasa­lang kontra sa San Sebastian Staglets sa alas-8 ng uma­ga kasunod ang laro ng Red Lions at Stags sa alas-10 sa men’s division.

Magtutuos naman ang Letran at Jose Rizal University sa women’s at men’s category sa ganap na ala-1 at alas-2 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ANG SAN BEDA RED CUBS

ARELLANO UNIVERSITY

BAMCIE BELEN

BEA UY

BONSAI MIRASOL

CES MOLINA

LADY STAGS

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with