2011 PBA D-league Aspirants cup dub, Big chill umiskor ng malaking panalo

MANILA, Philippines - Tinapos ng DUB Unlimi­ted ang pamama­yagpag ng Freego Jeans, habang nakabangon ang Big Chill mula sa huling kabiguan nang manalo sa hiwalay na laro sa 2011 PBA D-League As­pirants Cup kahapon sa Trinity University of Asia gym.

Hindi umubra ang de­ter­minasyon ng mga manlalaro ng Freego Jeans sa na­pahingang Wheelers nang umarangkada sa hu­ling yugto ang koponan ni coach Junel Mendiola para ku­nin ang 78-62 panalo.

Ito ang unang tagum­pay ng DUB Unlimited para sa kanilang 1-4 baraha, ha­bang may 5-1 marka ang Freego Jeans.

May 19 puntos si Marlon Gomez para sa mga Whee­lers.

Sina Roider Cabrera at Raymond Austria ay may 12 at 11 puntos, ayon sa pag­kakasunod.

Sinamantala naman ng Big Chill ang passing error ni Dave Marcelo para maiuwi ang 85-83 panalo laban sa nagdedepensang NLEX sa unang laro.

Show comments