Super fight sa 2012

MANILA, Philippines - Ang malamyang ipina­kita ni Manny Pacquiao sa kanilang pangatlong paghaharap ni Juan Ma­nuel Marquez noong Nob­yembre 13 ang siyang ma­aaring humikayat kay Floyd May­weather, Jr. na itakda ang kanilang mega-fight sa 2012.

Ito ang sinabi kahapon ni Pacquiao sa isang press conference matapos umuwi sa General Santos City.

 “Nakita n’ya na, pwede ko na labanan si Manny, dahil medyo nahirapan s’ya kay Marquez, eh si Marquez, bi­nugbog ko lang’,” sabi ni Pacquiao sa posibleng ini­isip ni Mayweather.

Isang kontrobersyal na ma­jority decision win ang na­kuha ni Pacquiao laban kay Marquez para patuloy na pagharian ang WBO welterweight division.

Kamakalawa ay napa­ba­­lita ang pagpunta ni Canadian business manager Michael Koncz sa Las Vegas, Nevada para kausapin si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Kinumpirma naman ng Filipino world eight-division champion na inutusan niya si Koncz para makipagpu­long kay Arum at maplan­tsa ang kanilang super bout ni Mayweather.

“Ongoing ang negotia­tion sa fight namin ni Mayweather, pero hindi pa final,” ani Pacquiao.

Dalawang ulit nang nabalam ang Pacquiao-Mayweather fight bunga na rin sa ilang isyu na ipinuwersa ng undefeated American fighter.

“Iyan ang gusto ng mga tao at iyan ang pinakaaabangan ng mga boxing fans,” sabi ni Pacquiao sa ka­nilang upakan ni May­wea­ther.

Umaasa naman ang un­cle/trainer ni Maywea­ther na si Roger na matutu­loy ang Pacquiao-Maywea­ther fight sa 2012.

“They want to see Floyd Mayweather and Manny Pacquiao. That’s what the world is waiting for,” ani Roger. “There ain’t nothing else they’re waiting for.”

Pinatumba ni Maywea­ther, tinalo si Marquez no­ong 2009, si Victor Ortiz sa fourth round noong Set­­yembre para maagaw sa huli ang hawak nitong WBC welterweight crown.

Show comments