^

PSN Palaro

Freego Jeans kinuha ang win No. 5

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Freego Jeans ang malakas na pa­nimu­la sa PBA D-League Aspirants Cup nang kunin ang ikalimang sunod na pa­nalo mula sa 61-54 pagdaig sa Cobra Energy Drink kahapon sa Adamson University Gym.

Pumukpok ang Jeans Mas­ters sa second half par­a makalayo sa Ironmen at palakasin ang tsansa sa se­­mifinal round.

Isang 23-5 run na gina­wa sa pagtatapos ng first period hanggang sa kalagitnaan ng second quarter ang pinakawalan ng koponan ni coach Leo Austria para itulak ang Ironman sa ikalimang sunod na kabiguan.

Nadugtungan naman ng Boracay Rum ang pag­pa­panalo nang kunin ang 63-61 tagumpay laban sa RnW Pacific Pipes.

Si Toting Bandaying ang siyang tumayong bida pa­ra sa Waves nang naipa­sok ang drive may 6.7 segundo sa orasan.

Nasayang naman ang dalawang opensa ng Steel Masters nang pituhan ng 5-seconds inbound violation si Fil-Am Virgil Buensuceso at traveling violation si Jim Viray para malaglag sa 3-3 karta.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY GYM

BORACAY RUM

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

FIL-AM VIRGIL BUENSUCESO

FREEGO JEANS

JEANS MAS

JIM VIRAY

LEO AUSTRIA

PACIFIC PIPES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with