^

PSN Palaro

SBP tututukan ang paghahanda sa 2013 FIBA-ASIA meet

- Ni Beth Repizo-Meraña -

JAKARTA , Indonesia --- Matapos makuha ang ko­rona sa men’s basketball event ng 26th Southeast Asian Games, ang kopo­nan namang ilalahok sa 2013 FIBA-Asia Cham­pion­ships ang tututukan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ilan sa mga miyembro ng Sinag Pilipinas ang ma­aaring maibilang para sa “Gi­las II” na siyang isa­sa­bak rin ng SBP sa World Cham­pionships sa 2014.

“We didn’t talk about Gilas II here as we wanted the pla­yers to focus on winning the championship here,” wi­ka ni Gilas operations director Butch Antonio. “But now that the mission here is done, yes I can say that the SBP already has a plan for Gilas II. These players are likely to make the pool.”

Isang ‘formula’ ang inila­tag ng SBP ni Manny V. Pa­­ngilinan na sisimulan ng pag­­poporma ng coaches’ pool na magiging kandidato pa­ra sa pagiging national head coach.

Ilan sa mga ikinukun­si­dera ay sina Norman Black, PBA coaches Chot Re­yes ng Talk ‘N Text, Ryan Gregorio ng Meralco, Tim Cone ng B-Meg at as­sistant Jong Uichico ng Ba­rangay Ginebra.

“Tim Cone and Jong Ui­chico will be asked if they’re willing to join the program,” wi­ka ni Antonio.

Alam na nina Black, Re­yes at Gregorio ang prog­rama ni Pangilinan pa­ra sa Gilas Pilipinas.

Sina Reyes at Gregorio ay nagsilbi nang assistant ni Serbian mentor Rajko To­roman sa nakaraang FIBA-Asia Men’s Cham­pion­ships.

Nagtapos na ang kon­trata ni Toroman bilang coach ng national team ngu­nit iimbitahan pa rin siya pa­ra sa Gilas II program.

“It’s up to him if he wants to be part of the pool,” sabi ni Antonio kay Toroman.

Posibleng tumayo si To­­roman bilang consultant sa mailuluklok na bagong Fi­lipino head coach.

Inilampaso ng Sinag ang Thailand, 85-57, sa fi­nals kamakalawa ng gabi pa­ra sa gintong medalya.

vuukle comment

ASIA CHAM

ASIA MEN

BUTCH ANTONIO

CHOT RE

GILAS PILIPINAS

GREGORIO

ILAN

JONG UICHICO

MANNY V

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with