^

PSN Palaro

Anim na ginto kinamada ng Team Phl sa 5 sports

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia --- Hindi malayo na lu­mabas bilang pinakapro­duktibo para sa Pilipinas ang huling araw ng kompe­tisyon bago magsara ang 26th SEA Games dito.

Umani ng dalawang gin­to ang sanda athletes ng wushu habang tig-isa ang ibinigay ng track team sa cycling, mixed team sa ten­nis, chess at equestrian para magkaroon na ng limang ginto ang dele­gasyon kahapon.

Sina Dennis Galvan at Charly Suarez ay sumampa sa finals sa men’s bo­­xing na siyang huling hi­rit ng pambansang delegas­yon sa edisyon at kung ma­nalo pa, ang pitong gin­to na makukuha ang pi­nakamataas na naitala ng ko­ponan sa isang araw sa edisyong ito.

Nangibabaw si Mark Ed­diva kay Youne Victo­rio Senduk ng host country sa 65 ki­logram, habang ang be­teranong si Edward Fola­yang ay nanalo kay Edon Khanxay ng Laos nang nag­hagis ng puting tuwalya ang kanyang corner sa ka­nilang tagisan sa 70-kilogram

Sina Marianne Mariano at Benjie Rivera na naglaro sa 56 kilogram ay nakuntento na lamang sa pilak nang matalo kina Tan Thi Ly at Phan Van Hau ng Vietnam.

 Humataw naman ang 19-anyos na si John Mier nang manalo sa 30-kilometer Point Race sa track event ng cycling.

Nakalikom ng kabu­uang 55 points si Mier para sa ikalawang ginto ng bansa sa track event kasunod ni Alfie Catalan na nanalo sa 4-kilometer Individual Pursuit kamakalawa.

Tinapos rin nina Treat Huey at Denise Dy ang mga mapapait na kabigu­a­ng sinapit sa mga kamay ng Indonesia sa mga naunang events nang bu­mangon mula sa first set loss tungo sa 4-6, 6-3 (10-6) panalo laban kina Jessy Priskila Rompies at Christopher Rungkat.

Ang panalo ay pamba­wi ni Huey matapos silang mabigo ni Cecil Mamiit sa men’s doubles laban kina Rungkat at Alexander Sie, 6-2, 2-6, (7-10).

Hindi naman binigo ni­na Diego Lorenzo at Toni Leviste ang paniniwalang kaya nilang paningningin ang Pilipinas sa larangan ng equestrian nang kunin ang unang dalawang puwesto sa mixed individual showjumping.

Katuwang 21-anyos na si Lorenzo ang kabayong Grace, habang si Magic ang sinakyan ni Leviste at kapwa walang pagkakamali na naitala ang dalawa sa paglagpas sa mga barriers sa course.

Pero si Lorenzo ang si­yang nabigyan ng ginto at pilak kay Leviste dahil sa mas mabilis nitong oras.

Nakabawi rin si GM Wesley So sa kanyang ka­biguan sa standard indi­vidual chess event matapos na kunin ang gold sa blitz event nang walisin ang siyam na round.

Nabigo ang men’s dra­gon boat team na masikwat ang gin­­to nang makuntento sa silver sa 2,000m long boat race, habang sina So at Fil-Australian cyclist Apryle Eppinger ay may silver sa men’s standard chess at sprint race, ayon sa pagkakasunod..

ALEXANDER SIE

ALFIE CATALAN

APRYLE EPPINGER

BENJIE RIVERA

CECIL MAMIIT

CHARLY SUAREZ

CHRISTOPHER RUNGKAT

DENISE DY

DIEGO LORENZO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with