Suarez, Galvan magpipilit makasuntok ng ginto

PALEMBANG, Indonesia --- Kailangang maging ag­resibo sina lightweight Char­ly Suarez at light wel­terweight Dennis Galvan para makaiwas sa anu­mang masamang desisyon mu­la sa mga hurado.

Ito ang paalala ni na­tio­nal coach Pat Gaspi ki­na Suarez at Galvan na la­laban ngayon sa finals sa pagtatapos ng boxing event sa 26th SEA Games di­to sa Kampus Indoor Bas­ket Hall.

"Hindi puwedeng pa-pitik-pitik lang at baka puma­sok ang referees at judges sa picture. Kung puwedeng i-knockout, kailangang very convincing ang panalo," wi­ka ni Gaspi kina Suarez at Galvan na makakalaban ang mga local bets na si­na Matius Mandiangan at Af­dan Bachtila, ayon sa pag­kakasunod.

Gusto nina Suarez at Gal­van na madagdagan ang dalawang ginto, isang pi­lak at isang tansong me­dalya na naibulsa ng kopo­nan.

Sina pinweight Josie Ga­buco at light flyweight A­lice Kate Aparri ang nag­hatid ng dalawang ginto pe­ro kinapos naman si ban­tam­weight Nesthy Petecio nang matalo kay Peamwliai Lao­peam ng Thailand.

Ang isang bronze ay nai­bigay ni 2010 Asian Ga­mes gold medalist Rey Sa­ludar sa light flyweight class nang matalo kay Julio Bria ng Indonesia.

Si Suarez ang nagde­depensang kampeon at pa­tok na manalo matapos ka­lusin si Ardee Saylom ng Thailand sa semifinals.

Sinuwerte naman ang roo­kie na si Galvan dahil umabante na siya sa se­mi­finals at tinalo si Azmi Khi­rakyazlan ng Malaysia, 12-1, upang mas sariwa na papasok sa bakbanan.

Ayaw magbigay ng pre­diksyon nina Suarez at Galvan bagkus ay ipinanga­ko la­mang nila na gagawin ang lahat ng makakaya pa­­ra manalo.

Show comments