^

PSN Palaro

Abaniel susunod sa mga yapak ni Julaton

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Posibleng may isa pang Filipina boxer na susunod sa mga yapak ni Ana ‘The Hur­ricane’ Julaton.

Nakatakdang labanan ni Gretchen Abaniel si Katia Gutierrez para sa IBF mi­nimumweight crown sa Dis­yembre 10 sa Mexico.

Tangan ng 26-anyos na si Abaniel ang 10-2-0 win-loss-draw ring record ka­sama ang 2 knockouts, habang hawak ng 22-an­yos na si Gutierrez ang 11-2-0 (3 KOs).

Ang tubong Puerto Prin­cesa City, Palawan ay dating miyembro ng wo­men’s national boxing team.

Nauna nang inangkin ni Abaniel ang bakanteng World International Bo­xing Association minimumweight crown mula sa isang una­nimous 10 round deci­sion laban kay game Nong­bua Lookprai-Aree ng Thailand noong Marso 25, 2009 sa Manila Hotel pa­ra sa Annual Banquet of Champions at sa Flash Elor­de Annual Awards.

Naagaw naman ito kay Aba­niel ni Samson Tor Bu­amas noong Pebrero 19 sa Thai­land. 

Tanging ang 31-anyos na si Julaton ang nag-i­isang Filipina world boxing champion ng bansa.

Nagreyna si Julaton sa IBA at WBO female super ban­tamweight division.

Naidepensa ni Julaton ang kanyang WBO belt kay Mexican Jessica Villa­franca via unanimous de­cision noong Oktubre 30 sa Mexico.

ABANIEL

ANNUAL AWARDS

ANNUAL BANQUET OF CHAMPIONS

FILIPINA

FLASH ELOR

GRETCHEN ABANIEL

JULATON

KATIA GUTIERREZ

MANILA HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with