^

PSN Palaro

Blu Boys, Blu Girls kinuha ang ginto sa men's at women's softball event

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indone­sia --- Dalawang beses na tinugtog ang Pambansang Awit dito sa Jakaba­ring Sports Complex nang walisin ng Blu Boys at Blu Girls ang dalawang gintong medalya sa softball competition ng 26th SEA Games.

Nakitaan ng katatagan ang men’s team na isinanta­bi ang 1-3 pagkakabaon ma­tapos ang tatlong innings patungo sa 7-3 panalo laban sa host Indonesia.

“Kahit down tayo ng two runs ay hindi ako nawalan ng tiwala at laban pa rin da­hil alam ko atin pa rin ito,” wika ni pitcher Florante Acuna.

Iba’t-ibang bola ang ibinigay ni Acuna dahilan upang hindi na nakaiskor pa ang host team.

Sa kabilang banda, tu­mabla ang Pilipinas sa fifth inning nang nakadalawang runs bago humataw ng tatlo sa sixth at tinapos ang laro ng isa pang run sa seventh.

“Noong nakalubog tayo sa 1-3, sabi ko kailangan natin ng break of the game at nang nakuha, nagtuluy-tuloy na ang magandang la­ro ng mga bata,” wika ni coach Roberto Ituralde sa kan­­yang kauna-unahang SEAG gold medal.

Bago ang finals ay nag­hati ang dalawang bansa sa tig-isang panalo dahil naunang humirit ng 4-2 panalo sa eliminasyon ang In­donesia bago bumawi ang Pi­lipinas, 2-1, sa pagsi­si­mula ng Page System.

“Ang unang pagkatalo na­min sa kanila ang nagsilbing motibasyon ng team. Mas naging desidido sila na makuha ang ginto para sa bayan,” ani Ituralde na pinasalamatan ang suporta ni ASAPhil president Jean Henri Lhuillier na siyang gu­mastos sa biyahe ng men’s team.

Naunang kuminang ang women’s team nang durugin ang Thailand, 6-0.

Si Julie Marie Muyco ang pitcher ng pambansang koponan ay nagbigay la­mang ng tatlong hits at may 12 strikeouts para ipakita ang dominasyon sa Thais.

May 13 hits naman ang Blu Girls na tinapos ang la­ban sa unang inning pa la­mang matapos magpasok ng tatlong runs.                      

“Marami ang naniniwa­lang mananalo uli kami rito ka­ya ginawa namin ang dapat gawin para masuklian ang pagtitiwala sa amin,” sabi ni women’s coach Ana Santiago.

ANA SANTIAGO

BLU BOYS

BLU GIRLS

FLORANTE ACUNA

JEAN HENRI LHUILLIER

PAGE SYSTEM

PAMBANSANG AWIT

ROBERTO ITURALDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with