^

PSN Palaro

Marami pang magbabago sa Ginebra

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Dehado sa tangkad si Rico Maierhofer kumpara kay Yancy De Ooampo pero hindi hamak na mas bata si­ya at mas exciting na panoorin.

At iyon ang mahalaga para sa Barangay Ginebra.

Kasi nga, ang gusto ni coach Bethune “Siot” Tanquingcen ay makakuha ng mga manlalarong bata at exciting. Matagal na niyang sinasabi iyon dahil sa pananaw niya’y tumatanda na ang mga Gin Kings.

Bukod kay Maierhofer ay nakuha din ng Barangay Ginebra sa isang three-team trade ang rookie na si Allein Maliksi. Bale ang nawala sa Barangay Ginebra ay sina De ocampo at second round pick sa 2012 na nasa B-Meg na at si Jimbo Aquino at first round pick sa 2013 na napunta naman sa Barako Bull.

Mabigat ang naging kapalit dahil hindi lang player ang ipinamigay ng Gin Kings kundi ang dalawang future picks. Pero kailangan na nga kasing umpisahan ng Ba­rangay Ginebra ang pagre-rebuild ngayon pa lang.

Si Maierhofer ay isang malaking piyesa sa re­buil­ding process. Eh hindi nga ba’t noong 2009 ay nahirang siya bilang Rookie of the Year. Hindi nga nagtuluy-tuloy ang development ni Maierhofer dahil sa nagtamo siya ng torn anterior cruciate ligament noong nakaraang season at kinailangang operahan ang kanyang tuhod.

Matagal ang naging rehabilitation process para kay Maierhofer. At nang magbalik siya sa active duty ay bago na ang kanilang coach. Pinalitan ng multi-titled na si Tim Cone si Jorge Gallent na ngayon ay assistant na sa Petron Balze.

Sa panibagong sistema ni Cone, kumaunti ang pla­ying time ni Maierhofer. Minsan nga’y tagapalakpak na lang sia sa bench imbes na ‘yung dating role niya bilang chief reliever ni Marc Pingirs. Kasi hindi nga ba’t pareho sila ng intensity ni Pingris?

Siguradong magagamit siya nang husto sa Barangay Ginebra dahil palaging may injury si Eric Menk, sa­manta­lang pinayagan si Billy Mamaril na bantayan mu­na ang kanyang maybahay na may sakit.

Gaya ni Maierhofer ay masaya ding panoorin si Ma­liksi na angkop ang apelyido sa kanyang mga kilos. Double figures ang average sa scoring ni Maliksi sa Ba­rako Bull bago siya nagtamo ng injury sa laro kontra Sho­pinas.com

Kung silang dalawa naman ni Aquino ang ipagku­kumpara, makikitang mas exciting si Maliksi. Mas ma­raming galaw kasi at hindi lang tulad ni Aquino na outside shooter.

Ito nga ang dahilan kung bakit nabangko si Aquino at mas nabigyan ng playing time si John Wilson noong na­ka­raang season. Kasi, mas maraming moves si Wil­son na isang dating Most Valuable Player sa NCAA noong naglalaro pa siya sa Jose Rizal Uni­versity. At bukod sa opensa ay may depensa din si Wilson.

Oo at marami ding ka­la­ban sa puwesto si Malik­si sa Ba­rangay Ginebra pe­ro karamihan ay may edad na.

Pero teka, may umuugong na panibagong tra­de na kasasangkutan ulit ng isa pang Barangay Gi­nebra center at isang ta­ga-Alaska Milk. Totoo kaya iyon? Aba­ngan re­buil­ding ng Gin Kings!

ALASKA MILK

ALLEIN MALIKSI

AQUINO

BARAKO BULL

BARANGAY GI

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

KASI

MAIERHOFER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with