Sinag Pilipinas asam ANG finals Berth; Perlas tangka ang titulo sa women's

JAKARTA, Indone­sia --- Dalawang laro pa ang kai­langan ng isang ko­ponan pa­ra hiranging kam­peon sa bas­ketball event pe­­ro nga­yon pa lamang ay na­aamoy na ni Sinag Pilipinas coach Norman Black ang gintong medalya.

“I’m most satisfied seeing the guys play team bas­ketball,” wika ni Black ma­tapos ang simpleng pag­sasanay kahapon bilang paghahanda sa semifi­nals ngayon.  

Makakasagupa ng Si­nag Pilipinas ang Malay­sia ngayong alas-3 ng ha­pon at ang panalo ng Na­tionals ang magtutulak sa ko­ponan na marating ang Fi­nals kalaban ang ma­na­nalo sa pagitan ng host In­donesia at Thailand.

Patok ang Pilipinas na ma­panatili ang pagdodomina sa men’s basketball ma­tapos ilampaso ang mga katunggali sa Group A na Cambodia, 127-68, Viet­nam, 107-53, at Thailand, 103-69.

Masaya si Black sa ipi­nakikita dahil halos tatlong linggo lamang tunay na na­kapaghanda ang ko­po­nan dala ng pagkaka­roon ng commitment ng mga ki­nuhang manlalaro sa ka­ni-kanilang collegiate teams.

“All players have been per­forming well. Everybody wants to share. They’re con­tributing even when star­ting or playing off the bench. That’s the character of this team,” ani Black.

Ang Malaysia ang pu­mangalawa sa Group B ta­ngan ang 2-1 karta at na­nalo sila sa Singapore, 67-59, at Myanmar, 100-72, pero natalo sa Indonesia, 45-59.

 “There should be no letting up. We need five wins and we’ll do what it takes,” dag­dag pa ng mentor na bi­nigyan ang Ateneo ng ika­apat na titulo sa UAAP.

Kasama ng men’s team na maghahangad ng mahalagang panalo ay ang Perlas women’s team na babangga sa Thailand.

Hindi katulad sa men’s di­vision, walang finals na ma­gaganap sa women’s at ang mangungunang kopo­nan matapos ang single round robin ang hihiranging kam­peon.

Parehong walang talo ang Thailand at Pilipinas ma­tapos ang dalawang la­ro at ang mananaig sa bakbakang itinakda nga­yong ala-1 ng hapon ang si­yang lalabas na kampeon ng liga.

“The team is determi­ned to win the gold,” wika ni women’s coach Haydee Ong na nais na bigyan ang Pilipinas ng kauna-una­hang SEA Games gold me­dal sa women’s basketball.

Mataas ang kumpiyansa ng koponan na babang­ga­in ang Thais dahil dalawang beses nilang tinalo ito tungo sa pagdodomina sa SEABA Women’s Basketball Championships na gi­nawa sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Ito rin ang unang SEA­BA title ng Pilipinas sa ka­babaihan.

Tinalo ng Perlas, ang hu­­ling asignatura ay ang wa­­lang panalong host team, ang nagdedepensang kampeong Malaysia, 64-56, at Myanmar, 57-39, ha­bang ang Thailand ay na­naig sa Indonesia, 61-56, at Malaysia 74-59.

Si Merenciana Arayi ang mangunguna sa koponan na iniaalay din ang mga laro sa kanilang star­ting center Casey Tioseco na hindi nakalaro dala ng sa­kit na dengue.

Show comments