^

PSN Palaro

Ranola tutumbukin ang ikalawang ginto

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indonesia --- Matapos mapagreynahan ang women’s 8-ball singles, walang ibang nais na gawin si Iris Ranola kundi ang kunin ang ikalawang gin­tong medalya sa 9-ball singles ng 26th SEA Games.

Makakasama niya muli sa kampanya sa nasabing event ang nagdedepensang kampeon na si Rubilen Amit na gustong bumawi matapos makawala ang titulo sa 8-ball nang matalo kay Amanda Rahayu ng Indonesia sa quarterfinals, 5-4.

Naipaghiganti naman ni Ranola ang kababayan da­­hil si Rahayu ang siya niyang nakalaban sa finals at di­nurog sa 5-1 iskor.

“Mas mataas ang kumpiyansa ko ngayon,” wika ni Ra­nola matapos kunin ang kanyang kauna-unahang gin­tong medalya sa SEA Games.

Bago ang pagsisimula ng women’s pool ay muntik nang hindi nakasali si Ranola nang kumulapso sa kan­yang kuwarto matapos mag-jogging.

Sumikip ang kanyang dibdib at mabuti na lamang ay may nakakita sa kanya at tinulungan siyang makauwi.

Kaso ng dehydration ang dumapo sa kanya sa pag­su­suri ng mga medical staff ng pambansang delegasyon.

“Super spicy at oily ang pagkain dito at mainit pa at pa­god, kaya siguro nangyari ito. Na-phobia ako kaya wa­la munang jogging,” dagdag pa ni Ranola.

Ayaw rin niyang magsalita sa gagawing laban sa 9-ball na kung saan sila ni Amit ay nag-bye sa first round.

Makalalaban ni Ranola ang mananalo sa pagitan ni­na Fathrah Masum ng Indonesia at Chonticha Chit­chom ng Thailand sa quarterfinals, habang si Amit ay ma­papalaban kay Amornrat Uamduang ng Thailand na tumalo kay Doan Thi Ngoc Le ng Vietnam, 7-1.

“Basta ang gagawin ko lang ay ibigay ang best para ma­nalo,” sambit pa ni Ranola na nais na higitan ang da­lawang bronze medal na nakuha sa 9-ball noong 2007 sa Thailand at noong 2009 sa Laos SEA Games.

AMANDA RAHAYU

AMORNRAT UAMDUANG

AYAW

CHONTICHA CHIT

DOAN THI NGOC LE

FATHRAH MASUM

IRIS RANOLA

RANOLA

RUBILEN AMIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with