^

PSN Palaro

Kampanya ng mga Pinoy lumaylay

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, Indonesia --- Binigyan ng magandang panimula ni Nestor Cor­dova ang Pilipinas sa ro­wing competition para ti­yakin na hindi mabobokya ang pambansang koponan na kumakampanya dito sa 26th SEA Games sa iba’t ibang lugar sa Indonesia.

Kumampay ng kumampay si Cordova pagpasok sa kalagitnaan ng 2000m men’s lightweight single sculls event na pinaglaba­nan sa Cipule Lake sa Ekasi, West Java para layuan ang mga katunggali tungo sa tagumpay.

Nagposte ng 7 minuto at 18.8 segundo ang winning time ng 34-anyos na si Cor­dova na tinapik sa event na dinodomina ni Olympian Ben­jie Tolentino mula 2003, 2005 at 2007 edisyon.

Produktibo rin ang tambalan nina Edgar Re­cana at Alvin Amposta sa doubles dahil nakasungkit s­ila ang bronze medal.

Sina Jennifer Chan at Earl Benjamin Yap ay pu­mangalawa sa men’s at wo­men’s individual compound ng archery, habang ang chess team ay umani rin ng da­lawang silver.

Si GM John Paul Gomez ay nanalo kay Tirta Chan­dra Purn ng Indonesia sa ninth at final round pa­ra makasalo kay Le Quang Liem ng Vietnam sa ka­nilang tig-7.0 points.              

Ngunit tinalo siya ni Le sa seventh round para ma­kuha ng Vietnamese ang gold medal.

Sina Oliver Barbosa at Ca­therine Perena ay may sil­ver naman sa mixed indi­vi­dual standard chess.

Si Eric Paniqui ay naka­pa­norpresa nang kunin ang sil­ver sa men’s marathon (2:28:260 na kung saan ang nag­dedepensang kampeon na si Eduardo Buenavista ay nalaglag sa bronze me­dal lamang.

Hindi rin pinalad si Francisco dela Cruz na masung­kit ang gold matapos yumuko sa kalabang si Ma Minh Cam, 70-100, ng Vietnam sa 1 carom singles cushion.

Tangan ang 15 ginto, 27 pilak at 32 bronze medals, ang Pilipinas ay napako na sa pang anim na puwesto, habang ang host Indonesia ay milya-milya na ang inilalayo sa mga katunggali sa nalikom na 86 gold, 64 silver at 68 bronze medals sa overall standings.

Ang aksyon ay nasa ikalawang puwesto dahil ang Vietnam ang umabante sa Thai­land nang magkaroon ng 53 ginto, 54 pilak at 59 bron­ze medals.

vuukle comment

ALVIN AMPOSTA

CIPULE LAKE

EARL BENJAMIN YAP

EDGAR RE

EDUARDO BUENAVISTA

JOHN PAUL GOMEZ

LE QUANG LIEM

MA MINH CAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with