^

PSN Palaro

Cebu City nagkampeon sa Batang Pinoy qualifying leg

-

DUMAGUETE City ,Philippines  – Inangkin ng Cebu City ang overall championship ma­tapos kumuha ng mga gold medals sa lawn tennis, swimming at boxing sa pagtatapos ng Batang Pi­noy 2011 Visayas qualifying leg dito.

Humakot ang Cebu Ci­ty ng kabuuang 52 golds, 37 silvers at 31 bronzes ka­sunod ang Bacolod City (34-18-23) at host Duma­gu­ete City (27-23-27).

Tinalo ni boer Junrel Ji­menez si Albino Tihuk, Jr. ng Sipalay sa 48-second mark ng first round para sa isang referee-stopped con­test (RSC) victory sa light pinweight division.

Ibinigay naman ni Hipolito Banal, Jr., nakababatang ka­­patid ni World Boxing Or­­ganization Asia Pacific ban­tamweight champion AJ “Bazooka” Banal, ang ika­lawang ginto ng Cebu Ci­ty sa boxing mula sa kan­yang 5-0 win laban kay Da­niel Folio ng Dumaguete sa paperweight class.

Lumangoy ang mga Ce­bu City tankers ng kabu­uang13 golds, 16 silvers at 9 bronzes sa swimming event para ungusan ang Bacolod City na may 13 golds, 10 silvers at 10 bronzes, habang ang host Du­maguete ay kumuha ng 10 golds, 10 silvers at 11 bronzes. 

Lima sa anim na gintong medalya ang inangkin ng Cebu City sa lawn ten­nis.

Ito ay mula sa kanilang mga panalo mula sa girls’ si­ng­les, boys’ singles, girls’ doubles, boys’ doubles at mi­xed doubles.

Samantala, idaraos ng Phi­lippine Sports Commis­sion ang arnis national fi­nals sa PhilSports Arena sa Pasig City kasabay ng Na­tional Capital Region qua­lifying leg na gagawin sa University of Makati sa Nob­yembre 29 hanggang Dis­yembre 2.

Matapos ang Visayas qua­lifying leg, dadalhin ang event ng Batang Pinoy sa Baguio City para sa Northern Luzon leg sa Nob­yembre 24-27.

ALBINO TIHUK

ASIA PACIFIC

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BATANG PI

BATANG PINOY

CEBU CI

CEBU CITY

CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with