^

PSN Palaro

Petecio nakatiyak na ng medalya sa women's boxing

- Ni BRMeraña -

PALEMBANG, Indonesia -- Ngayong araw pa lamang mag­sisi­mula ang boxing pero nakatiyak na ang Pi­lipinas ng isang pilak sa women’s boxing.          

Si Nesthy Petecio ang siyang pinalad na makapag-bye sa unang laban sa 54-kilogram division na nilahukan la­mang ng tatlong bansa.

Muntik ng binura sa talaan ng kompetisyon ang na­sa­bing dibisyon dahil si Petecio lamang ang nagpatala ngu­nit nakumbinsi ang Thailand at Vietnam na magpasok ng lahok kaya’t itinuloy ang laban.

“Walang problema na kumbinsihin ang ibang bansa da­hil mas magiging madali ang hanap nilang medalya sa timbang na ito,” wika ni ABAP executive director Ed Pic­son matapos saksihan ang draw.

Ang ibang kasapi ng national boxing team na sasa­lang sa first round ay sina Mark Anthony Barriga at Del­fin Boholst ang siyang magtatangkang bigyan ng ma­gandang panimula ang laban ng Pilipinas.

Makakasuntukan ni Barriga na lalaro rin sa 2012 London Olympics si Denisius Hitahitirun ng Indonesia sa light flyweight, habang si Boholst ay sasabak sa malakas na si Apin­chet Sanenset ng Thailand sa 69 kilogram division.

Ang iba pang aasahan ng bansa ay sina Asian Ga­mes gold medalist Rey Saludar, Laos SEAG gold me­­dalist Charlie Suarez, Junel Cantancio at Dennis Gal­van sa kalalakihan habang sina 2009 gold medalist Jo­sie Gabuco at Alice Kate Aparri ang makakasama ni Pe­tecio sa kababaihan.

Kinokonsidera ang Thailand pa rin ang mabigat na kalaban ng mga pambansang boksingero. (

ALICE KATE APARRI

ASIAN GA

BOHOLST

CHARLIE SUAREZ

DENISIUS HITAHITIRUN

DENNIS GAL

ED PIC

JUNEL CANTANCIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with