^

PSN Palaro

Pinoy chess players kasalo ng Vietnam sa liderato

-

PALEMBANG --- Tinalo ng mga Filipino athletes ang Indonesia, 1.5-.5, para manguna sa chess competition ng 26th Southeast Asian Games.

Nagsulong ang Team Phl ng 3.5 points sa unang dalawang laro kasalo ang Vietnam para sa liderato.

Binigo ng Vietnam ang Myanmar, 1.5-.5, sa mixed pair competition sa nasabing biennial meet.

Pinayukod ni GM Oliver Barbosa (2571) si GM Susanto Megaranto (2537), habang tabla naman si WIM Catherine Perena (2083) kay WGM Irine Kharisma Sukandar (2350).

Noong Sabado, binuksan ng mga Pinoy ang kanilang kampanya matapos bokyain ang Myanmar, 2-0, sa first round kung saan diniskaril ni Barbosa si FM Zaw Oo (2274), habang iginupo naman ni Perena si May Hsu Lwin (2112).

Makakalaban ng Nationals sina GM Dao Thien Hai (2505) at WGM Nguyen Thi Thanh An (2300) ng Vietnam para sa solo leadership board.

Sa Blindfold chess competition, nagtala si GM John Paul Gomez ng magkasunod na draw kontra kina IM Mok Tze-Meng ng Malaysia at GM Nguyen Anh Dung ng Vietnam.

Natalo si GM Darwin Laylo kay IM Lioe Dede ng Indonesia sa third round at hiniya naman si GM Le Quang Liem ng Vietnam sa fourth round.

Tangan ng tubong Biñan, Laguna na si Gomez ang 2 wins, 2 draws tungo sa kanyang 3.0 points kagaya ni IM Tirta Chandra Purnama ng Indonesia.

Matapos namang kumuha ng bye sa opening round, natalo si 12-time national open champion GM Rogelio "Joey" Antonio Jr. kay Kongsee Uaychai ng Thailand sa second round.

Ang kanyang susunod na haharapin ay si IM Nguyen Huynh Minh Huy ng Vietnam.

Tampok naman si top rated player GM Wesley So (2659) sa individual standard at blitz competition kasama sina Barbosa at GM Mark Paragua.

ANTONIO JR.

BARBOSA

CATHERINE PERENA

DAO THIEN HAI

DARWIN LAYLO

IRINE KHARISMA SUKANDAR

JOHN PAUL GOMEZ

KONGSEE UAYCHAI

LE QUANG LIEM

LIOE DEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with