^

PSN Palaro

Pinoy Athletes humataw ng tatlong gold medals

- Ni Beth Repizo-Meraña -

PALEMBANG, In­do­nesia -- Matapos ang matumal na araw ka­makalawa, humataw muli ang mga atleta ng Pilipinas nang makapaghablot ng tat­long ginto sa ikatlong araw ng kompetisyon sa 26th SEA Games dito.

Ipinamalas ni Dennis Or­collo kung bakit siya ang kinikilala bilang World cham­pion sa larangan ng 8-Ball, napanatili ni Marga­rito Angana ang pagdodo­mina sa 55 kilograms sa wrestling, habang ang mga kinatawan sa bridge ay kuminang para mapag-init uli ang laban ng bansa.

Walang binatbat ang mga Indonesian cue artist na sina Muhammad Zulfikri at Ricky Yang nang daanan la­mang ni Orcollo pa­tungo sa ginto sa men’s singles 8-ball na natapos kahapon sa Jakabaring Billiard Arena.

 Pinatalsik ng 32-anyos na si Orcollo na siya ring No. 1 player ng World Po­ol As­sociation (WPA) na si Zulfikri, 7-4, sa semifinals bago tumbukin ang 7-2 panalo laban kay Yang sa Finals.

Tuluyan namang ipina­kita ng 28-anyos na si Angana na maayos na ang injury na tinamo nito noong 2010 Guangzhou Asian Games nang dominahin ang nakalabang Vietname­se sa 6-0 at 6-2 iskor.

“Nagbunga rin ang lahat ng paghihirap, sana mag­tuluy-tuloy na ito para sa team,' ani Angana.

Sa men’s buttler sa bridge nanggaling ang ikatlong gold.

Lumaban rin sa finals ang mga taekwondo jins, ka­ratedo at diving pero hin­di kumapit ang suwerte at nakontento sa pilak.

Kinapos sina Orencio delos Santos, Jayson Ramil Macaalay at Ronnel Ba­lingit sa finals match la­ban sa Indonesia, 3-0, sa men’s team kumite.

 Ang women’s team nina Mae Soriano, Erica Sa­monte at Racquel Luza­rez ay kumubra ng bronze sa kanilang dibisyon at ang karatedo ay nakapag-uwi ng kabuuang isang silver at anim na bronze medals sa pagtatapos ng event.

Sina Niño Carog at Jai­me Asok ay nagtambal tu­ngo sa pilak sa men’s 3-m synchronized springboard sa nakuhang 342.99. Ang Malaysia ang umani ng ginto sa 392.31 puntos.

Nanatiling nakapako sa dalawang ginto ang kontribusyon ng taekwondo dahil si Jose Anthony Soria na umabante sa finals sa men’s middleweight ay yu­mukod kay Basuki Nug­roho ng Indonesia.

Si women’s finweight Leigh Anne Nuguit at flyweight na si Fil-Am Pauline Lopez na humalili sa pu­westo ng na-injured na Olympian Toni Rivero, ay natalo sa quarterfinals para makontento sa bronze.

Naghatid naman si cyclist Mark Guevarra ng isa pang bronze sa cycling 50.7 individual time trial nang maorasan ng 1:53.11.41.

Napunta uli ang ginto sa host na kinatawan ni Tonton Susanto sa 1:49:19.60 habang si Darren Low ng Singapore ang kumuha sa pilak sa 1:53:11.41.

ANG MALAYSIA

ANGANA

BASUKI NUG

DARREN LOW

DENNIS OR

ERICA SA

FIL-AM PAULINE LOPEZ

GUANGZHOU ASIAN GAMES

JAKABARING BILLIARD ARENA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with