Pacquiao tinawag si Mayweather

HOLLYWOOD – Dahil sa sobrang ingay sa loob ng MGM Grand ay hindi na­rinig ang pagtawag ni Manny Pacquiao sa pa­nga­lan ni Floyd Maywea­ther, Jr.

“Let’s make it happen on May 5,” sabi ni Pacquiao sa panayam ni sports analyst Max Kellerman sa loob ng boxing ring sa gitna ng pam­bubuska ng Mexican crowd ukol sa pagkatalo ni Juan Manuel Marquez.

“Let’s give the people a good fight. Let’s get it on,” dag­dag pa ni Pacquiao.

Tinalo ng 32-anyos na pound-for-pound champion ang 38-anyos na si Marquez sa kanilang pa­ngatlong paghaharap at may posibilidad na maitakda ang kanilang super fight ng 38-anyos na un­de­feated American na si May­­weather.

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang iha­yag ng kampo ni May­wea­ther na babalik ang ba­gong WBC welterweight champion sa Mayo 5, 2012 laban sa isang tinawag ni­yang “little fella”.

Sinabi na ni Bob Arum ng Top Rank na ang tinutu­koy ni Mayweather ay si Mexican Erik Morales at hin­di si Pacquiao.

Ngunit kung si ‘Pacman” ang gustong makatapat ni Mayweather, inaasahang kikita ang dalawa ng tig-$50 milyon.

Ayon kay Pacquiao, ito ay magiging depensa sa gustong mangyari ng 79-anyos na si Arum.

“It depends on Bob Arum,” sabi ni Pacquiao.

Dalawang beses umat­ras sa negosasyon si May­weather para sa pinaplan­tsa sanang salpukan nila ni Pac­quiao.

Ang isa sa isyung pinalitaw ni Mayweather ay ang pag­sailalim nila ni Pacquiao sa isang Olympic-style random drug at urine testing.

Inasar ni Mayweather si Pac­quiao na sinabi niyang nilabanan ang kanyang mga tinalo.

“Congratulations to all of Pacquiao’s success. Every­body know that every­body that I beat, he fought them after I beat them. I beat them when they were on top of their game,” sabi ni Mayweather.

Show comments