Pacquiao tinawag si Mayweather
HOLLYWOOD – Dahil sa sobrang ingay sa loob ng MGM Grand ay hindi narinig ang pagtawag ni Manny Pacquiao sa pangalan ni Floyd Mayweather, Jr.
“Let’s make it happen on May 5,” sabi ni Pacquiao sa panayam ni sports analyst Max Kellerman sa loob ng boxing ring sa gitna ng pambubuska ng Mexican crowd ukol sa pagkatalo ni Juan Manuel Marquez.
“Let’s give the people a good fight. Let’s get it on,” dagdag pa ni Pacquiao.
Tinalo ng 32-anyos na pound-for-pound champion ang 38-anyos na si Marquez sa kanilang pangatlong paghaharap at may posibilidad na maitakda ang kanilang super fight ng 38-anyos na undefeated American na si Mayweather.
Dalawang linggo na ang nakakalipas nang ihayag ng kampo ni Mayweather na babalik ang bagong WBC welterweight champion sa Mayo 5, 2012 laban sa isang tinawag niyang “little fella”.
Sinabi na ni Bob Arum ng Top Rank na ang tinutukoy ni Mayweather ay si Mexican Erik Morales at hindi si Pacquiao.
Ngunit kung si ‘Pacman” ang gustong makatapat ni Mayweather, inaasahang kikita ang dalawa ng tig-$50 milyon.
Ayon kay Pacquiao, ito ay magiging depensa sa gustong mangyari ng 79-anyos na si Arum.
“It depends on Bob Arum,” sabi ni Pacquiao.
Dalawang beses umatras sa negosasyon si Mayweather para sa pinaplantsa sanang salpukan nila ni Pacquiao.
Ang isa sa isyung pinalitaw ni Mayweather ay ang pagsailalim nila ni Pacquiao sa isang Olympic-style random drug at urine testing.
Inasar ni Mayweather si Pacquiao na sinabi niyang nilabanan ang kanyang mga tinalo.
“Congratulations to all of Pacquiao’s success. Everybody know that everybody that I beat, he fought them after I beat them. I beat them when they were on top of their game,” sabi ni Mayweather.
- Latest
- Trending