Souquet dinomina si Biado sa Face Off

MANILA, Philippines - Binigo ni German Ralf ‘Ka­iser’ Souquet si Carlo Bia­­do, 9-3, sa Philippine Big­­time Billiards (PBB) Fa­­ce Off Series noong Sa­­bado ng gabi sa PAGCOR Airport Casino sa Pa­­rañaque City.

Dinomina ng World Pool Masters champion na si Souquet si Biado, ang 2011 BSCP National Pool titlist, sa kabuuan ng ka­nilang laro.

Dahil sa tagumpay, ibinulsa ng dating WPA World 9-ball at 8-ball king na si Sou­quet ang premyong $5,000 at napanatili ang kan­yang dominasyon kay Bia­do.

Dalawang beses tinalo ni Souquet si Biado sa mag­katulad na 9-8 decision sa Guinness 10-ball tour sa Jakarta at sa Philippine In­ternational Open 10-ball Championships sa Manila no­ong 2010.

“Luck played a part in my victory. Carlo is a very tough opponent and I really had a hard time bea­ting him,” sabi ni Souquet, na tumalo rin kay World No.1 at World 8-ball Champion Dennis Orcollo, 9-6, sa PBB Face Off Series noong nakaraang Linggo.

Show comments