BEKASI, West Java, Indonesia —Pipilitin ng Filipino riders na makabawi mula sa kanilang malamyang kampanya sa Laos dalawang taon na ang nakakaraan sa pagsikad ng cycling competition sa 26th Asian Games dito.
“With our strong line-up, we are eyeing two to three golds in the road competitions,” wika ni head coach Cesar Lobramonte, sa track team na binubuo nina veteran Lloyd Lucien Reynante at 2009 Tour champion Mark Galedo.
Kakarera sina Galedo at Ronald Gorantes sa 50.7-kilometer men’s individual time trials sa matarik na Pemanukan, Subang Road sa West Java, tatlong oras na biyahe mula sa Indonesian Capital ng Jakarta.
Magbabalik rin ang 2007 Thailand SEA Games gold medalist na si Marties Bitbit, ang nag-iisang Pinay na lahok ng bansa sa women’s 24-km individual time trial, sa nasabi ring course ngayong araw.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina George Oconer, anak ni dating Olympian Bert Oconer, at reserve na si Semico Buloso na makakasama nina Galedo, Gorantes at Reynante sa team time trials na pepedal bukas.