^

PSN Palaro

Sinag Pilipinas laban sa Cambodia sa pagdribol ng basketball competition ng 26th SEA Games

- Ni BRMeraña -

JAKARTA, Indonesia - Madaling panalo ang ina­asahang makakamit ng men’s basketball team na pakay na maidepensa ang hawak na titulo sa pagbu­bukas ng laro ngayon sa Britama Arena dito.

Unang kalaban ng tropa ni coach Norman Black ang Cambodia sa Group A sa ganap na alas-11 ng tanghali (12 ng tanghali sa P­ilipinas) at masasabing dis­grasya na lamang ang ma­kakapigil para makuha ng koponan ang unang pa­nalo.

Matatandaan na noong 2007 pa huling nakapagda­os ng larong baskeball sa SEA Games kung saan di­nurog ng ipinadalang koponan ang mga katunggali sa bisa ng 47-point average winning margin.

Ganito rin ang inaasahan sa taong ito dahil bi­nu­buo ang koponan ng ma­huhusay na collegiate pla­yers sa pangunguna ni­na seven-footer Greg Slaughter, Nico Salva at Keifer Ravena na tinulu­ngan ang Ateneo Blue Eagles na makuha ang pam­bihirang four-peat sa nakaraang UAAP season.

Isama pa sa koponan ang hinirang na Rookie of the Year Bobby Ray Parks bukod pa ang matitikas na sina Jake Pascual at Garvo Lanete ng San Beda, Ronald Pascual at Ian Sangalang ng San Se­bastian at Ryan Garcia ng FEU.

Dagdag rin sa lakas ng koponan si Smart Gilas Pilipinas team skipper Chris Tiu bukod pa sa matatangkad na Fil-Ams na sina Clifford Hodge at Chris Ellis.

Mapapalaban rin ang women’s cage team sa Ma­laysia sa ganap na ala-1 ng hapon at pilit nilang pa­tataasin ang morale na medyo bumagsak sa pagsungkit ng panalo.

Nawala sa team ang pambatong sentro na si 6’1 Cassandra Tioseco dahil sa sakit na dengue at pilit na papawiin ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang outside shoo­ting.

ATENEO BLUE EAGLES

BRITAMA ARENA

CASSANDRA TIOSECO

CHRIS ELLIS

CHRIS TIU

CLIFFORD HODGE

GARVO LANETE

GREG SLAUGHTER

GROUP A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with