^

PSN Palaro

Sakripisyo ni Marestella nagbunga ng gold medal

- Ni Beth Repizo-Meraña -

Palembang - Bumawi si Ma­restella Torres ang hindi magandang ipinakita sa ma­la­laking kompetisyon na si­nalihan noong nakaraang ta­on nang kunin ang ginto sa paboritong long jump event sa pagbubukas ng ath­letics competition ka­ha­pon sa 26th SEA Games dito sa Jakabaring Sports Ci­ty.

Hindi isang ordinaryong pa­nalo ang ginawa ni Torres dahil binura niya ang kan­yang SEAG record na 6.68m na itinala niya noong 20­09 sa Laos matapos lu­mundag sa 6.71 meters at sa mainit na panimula ng kam­panya ng mga ‘GTK Army’.

Ang 30-anyos na si Tor­res ay nagkaroon lamang ng tatlong opisyal na attempts dahil foul ang tat­long ibang attempts nito ngu­nit hindi naapektuhan ang hangaring tagumpay ng pambato sa women’s long jump nang itala ang mar­ka sa ikatlong lundag.

“Determinado talaga ako matapos ang nangyari sa akin sa Asian Games sa Guangzhou last year na expected ako manalo pe­­ro nag-fourth place lang,” wi­ka ni Torres na selyado rin ang panalo kahit hindi na­kagawa ng bagong record matapos masukat sa 6.65m at 6.61m ang una at pang anim niyang lundag.

Hindi naging madali ang pagbangon na ito ni Tor­res dahil binalak na ni­yang magretiro matapos ang kabiguan sa Guang­zhou Games noong 2010.

“Hindi ako nag-training ng dalawang buwan pero hi­nikayat ako ng coaching staff, team mates ko at si Mr. Go na bumalik. Hirap din ako sa training dahil wa­la ka­ming sariling venue at pa­lipat-lipat ng lugar na pi­­nagsasanayan,” dagdag pa nito.

Ngunit kapalit ng mga pag­subok na ito ay ang ma­tamis na tagumpay dahil ito na ang kanyang ikaapat na long jump gold medal sa SEA Games mula pa no­ong 2005 na idinaos sa Pi­lipinas.

Higit dito, ang 6.71 meters marka ay nagbigay rin kay Torres ng tiket para sa Lon­don Olympics sa 2012 da­hil pasok ito sa Olympic qualifying B standard na 6.65 meters.

Ang A standard ay nasa 6.75 meters.

“Masaya ako sa naga­wa ko dahil sa pinagdaa­nan ko. Andoon pa rin ang strength ko sa mga distan­s­ya ng lundag ko. Ngayon ay paghahandaan ko nang hu­sto ang London Olympics,” wika pa ni Torres na ka­sapi rin sa Olympic Solidarity Program ng POC.

Sa kompetisyong ito lu­mabas din ang posibleng ma­giging kapalit ng SEAG long jump queen dahil ang 20-anyos na mag-aaral ng Uni­­versity of Baguio na si Ka­­therine Santos ang siyang sumungkit ng bronze me­­dal sa 6.25m marka.

“Malakas ang hangin ka­­ya medyo nahirapan ako,” sambit ni Santos na ki­­napos ng 22 sentimetro kay Maria Londa ng Indo­ne­­sia na siyang nag-uwi ng pilak sa 6.47m marka.

AKO

ANG A

ASIAN GAMES

DAHIL

JAKABARING SPORTS CI

LONDON OLYMPICS

MARIA LONDA

MR. GO

OLYMPIC SOLIDARITY PROGRAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with