^

PSN Palaro

Valdez masusubukan sa shooting

-

PALEMBANG - Gaano ka­galing si Jayson Valdez kung kahanay ang mga shoo­ters mula sa Southeast Asia.

Ito ang malalaman dahil sa araw na ito sasalang ang 16 anyos na manlalaro sa pa­boritong 10-meter air rifle event.

Si Laos SEA Games gold medalist sa rapid fire Na­thaniel ‘Tac’ Padilla ay pu­pu­tok rin sa 25-m standard pistol, habang ang isa pang be­teranong si Emerito Concepcion ay mapapalaban sa 50-m rifle prone.

Ang dalawang shoo­ters ay may kakayahan ring umani ng medalya sa ka­nilang lalahukan events pe­ro ang mata ay tiyak na ipu­pukol kay Valdez na nasa unang pagkakataon na lala­ro sa regional games na gi­nagawa tuwing ikalawang ta­on.

Sa murang edad ay si Valdez na ang may hawak sa Philippine record sa kanyang ipinutok na 595 at sa nilahukang Southeast Asian Shooting Association Championships ay nagwagi ito ng pilak.

 “Jayson is full of talent and is a warrior at heart,” ­sa­bi ni Philippine National Shoo­ting Association (PN­SA) president Dr. Mikee Ro­mero.

Hanap ng shooting team na mahigitan ang isang gin­to na nakuha sa Laos na nai­bigay ni Padilla.

Palaban pa rin ang 47-anyos negosyanteng si Pa­dilla dahil hangad niyang ma­dagdagan ang limang gin­to na nakolekta sa 16 na pag­lahok sa beinnial meet.

Samantala sa Jakarta, na­bigo naman sina kayak en­try Alex Generalo at canoe racer Dany Funelas na makuha ang gintong me­dalya.

Nagtala sina Generalo at Funelas ng mga oras na 4:11.750 at (4:48.070) sa men’s 1,000-meter sa kayak at 1,000m event sa canoe, ayon sa pagkakasunod, pa­ra parehong tumapos bilang pang lima.

Si Thai Wichan Jaitieng (3:55.590) ng Thailand ang ku­muha ng ginto sa kayak at si defending champion Eka Oc­tarorianus (4:16.000) ng In­donesia sa canoe.

ALEX GENERALO

DANY FUNELAS

DR. MIKEE RO

EKA OC

EMERITO CONCEPCION

JAYSON VALDEZ

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL SHOO

SHY

SI LAOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with