Cebuana, Freego wagi sa D-League

MANILA, Philippines - Hinugutan ng lakas ng Cebuana Lhuillier si Jai Reyes para kunin ang 77-64 tagumpay laban sa RnW Pacific Pipes sa PBA D-League Aspirants’ Cup ka­hapon sa Arellano Gym.

Tumapos si Reyes tag­lay ang 13 puntos at da­lawang magkasunod na tres ang ginawa niya para pa­wiin ang huling hirit ng Steel Masters sa 62-66.

May 22 puntos si Vic Ma­nuel para pangunahan ang Gems na nasungkit ang ikatlong sunod na panalo (3-0).

Sinabayan naman ito ng pananaig ng Freego Jeans sa da­ting solo-li­der na Blackwater, 72-68, para ma­ka­salo ang Gems sa una­han.

Magkasunod na offensive rebounds nina Janus Lo­­zada at Eric Camson ang nakatulong para sa 8-0 run ng koponan ni head coach Leo Austria.

Show comments