Si Mayweather ang kasunod matapos si Marquez - Roach
LAS VEGAS -- Kung siya ang masusunod, gusto ni five-time Trainer of the Year Freddie Roach na labanan at talunin muna ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather, Jr. bago magretiro.
"I'd like to get Mayweather next, beat him and call it a day," sabi ni Roach sa panayam ng BoxingScene. "That will be the icing on the cake."
Nauna nang sinabi ni Roach sa ESPN na hindi pa niya nakikitang humihina si Pacquiao at maaari pa itong lumaban ng 10 beses.
Ngunit kailangan munang talunin ni Pacquiao si Mexican Juan Manuel Marquez sa Linggo bago maplantsa ang laban nila ni Mayweather.
"It's the fight I want," ani Roach. "I want to see that fight as badly as all of you. He's a challenge and I love challenges."
Dalawang beses bumagsak ang negosasyon para sa nasabing Pacquiao-Mayweather megafight.
Ito ay mula na rin sa ilang isyu na pinalitaw ni Mayweather para maiwasan si Pacquiao.
Kabilang na rito ang usapin sa pagsailalim nila sa Olympic style random blood at urine testing bago ang kanilang laban.
- Latest
- Trending


















