Pinoy athletes handang-handa na

MANILA, Philippines - Palembang - Ang pi­nakamalaking kompetis­yon sa Southeast Asia ay bubuksan ngayong ga­bi at katatampukan ito ng pagparada ng 4,000 man­lalaro at opisyales mu­la sa 10 bansang kalahok sa bagong gawang 320-ektaryang Stadion Ge­lora Sriwijaya.

Ang Pangulo ng Indo­nesia na si Susilo Bambang Yudhoyono ay dadalo at siyang magiging pana­uhing pan­dangal sa pagta­taas ng telon para opis­yal na pasimulan ang 26th Southeast Asian Games na magtatagal hanggang Nob­yembre 22.

Magsisimula ang pagta­tanghal sa ganap na alas-7 ng gabi at patitingkarin ang se­remonyang tatagal sa lo­ob ng tatlong oras ng pag­parada ng mga atleta at opis­yales mula sa mga kalahok na bansa bu­kod pa ang pagtatanghal ng kilalang personalidad di lamang mula sa host In­donesia.

Si KC Concepcion na anak ng ‘Mega Star’ Sharon Cuneta ay makakasama nina Agnes Monica ng Indonesia at Jacklyn Vic­tor ng Malaysia para awi­tin ang kantang tutukoy sa pag­kakaisa ng mga ka­sa­li na “Together We Will Shine.”

Upang magkaroon ng ka­ayusan lalo na ang pag­pa­rada ng mga kasaling ban­sa ay nilimitahan ng host ng hanggang 400 ang bi­lang ng mga tao na pu­wedeng kumatawan sa ka­nilang delegasyon.

Si 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar ng boxing ang siyang ma­ngu­nguna sa pambansang delegasyon bilang flag bearer at nasa likod ni­ya ang ibang kasapi ng grupo sa pangunguna nina POC pre­sident Jose Cojuangco, Jr. at PSC chairman Ricar­do Garcia.

Ito ang ikaapat na pag­kakataon na ida­raos sa Indonesia ang SEA Games.

Taong 1979 nang u­nang nakapag-host ang In­donesia ng naturang bien­nial event ba­­go nasundan noong 1987 at 1997.

May 44 sports at 545 events ang pag­lalabanan sa edisyong ito at ang mga la­­ro ay ikinalat sa Palembang, Jakarta at West Java.

Hangad ng Pilipinas na ma­kabangon matapos ang pang limang puwes­tong pagtatapos noong 20­09 SEA Games sa Laos at kumbinsido ang mga sports officials na palaban ang 524 atletang dinala sa kom­petisyon.

Samantala, hanggang ngayon ay prob­lemado pa rin ang mga organizers ukol sa trans­portasyon at akomodasyon ng mga de­legasyon.

“I’m sure everything will be sorted out and we have to give them more than a little lee­way since this is the first time they are hos­ting an event of this magnitude,” ani de­puty Chef De Mission Romeo Magat ng lawn tennis.

Show comments