^

PSN Palaro

Bulto ng Team Phl darating ngayon para sa 26th Southeast Asian Games

- Ni BRepizo -

INDONESIA --- Kabu­uang 155 bilang ng athletes at coaches ang nakatakdang dumating dito ukol sa pagsisimula ng 26th South­east Asian Games bukas.

Ang nasabing grupo ay pa­mumunuan ni flag-bea­rer Rey Saludar kasama ang 15 pang miyembro ng boxing team kasabay ang 30 sa athletics, 25 sa ba­seball at 11 sa tennis.

Nasa chartered flight rin ang mga atleta ng karate­do (13), badminton (11), ar­chery (2), waterski (1), wres­tling (12), petanque (10), bridge (9) at gymnastics (15).

Nauna nang dumating di­to ang 65 bilang ng dele­gasyon na kinabibilangan ng mga taekwondo jins (27) at rowers (11).

“We should be looking at 70 gold medals and Top 3 overall,” ani Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.

Bibiyahe bukas ang mga atleta ng traditional boat race (38), fencing (23), archery (10), golf (8), table tennis (8) cycling (3) at equestrian (1). Susunod sa Nob­yembre 12 ang grupo ng basketball (34), bowling (18), golf (3), equestrian (1) at waterski (1).

Magtutungo ang 10 mi­yembro ng cycling team sa Nobyembre 13, habang ang futsal (31) at soft tennis (10) ay sa Nobyembre 14.

Aalis sa Nobyembre 15 ang cycling (5), judo (20), wu­shu (19) at soft tennis (2) ka­sunod ang gymnastics (6) at weightlifting (9) sa Nob­yembre 16.

AALIS

ASIAN GAMES

BIBIYAHE

KABU

MAGTUTUNGO

NOBYEMBRE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REY SALUDAR

RICHIE GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with