Petron giniba ang Shopinas.com

MANILA, Philippines - Mula sa isang three-game losing skid, sumasa­kay ngayon ang Boosters sa isang two-game winning run.

Muling nakahugot ng pun­tos ang Petron Blaze kay Joseph Yeo para pa­bagsakin ang Shopinas.com, 102-77, at makasalo sa ikaapat na puwesto sa eli­mination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup ka­hapon sa Smart-Ara­neta Co­liseum.

Bago talunin ang Clic­kers, nanggaling muna ang Boos­ters sa 86-80 paggi­ba sa Alaska Aces noong Sa­bado na tinampukan ng 27 points ni Yeo, pumalit sa may injury na si Fil-Am roo­kie Chris Lutz. 

Kasalo ng Petron sa ika­apat na posisyon ang Me­ralco sa magkatulad ni­lang 5-3 baraha sa ilalim ng Rain or Shine (6-1), Talk ‘N Text (5-1) at Barako Bull (5-2) kasunod ang Barangay Gi­­nebra (3-4), B-Meg (3-4), Po­werade (3-4), Alas­ka (1-6) at Shopinas.com (0-8).

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Tropang Texters at ang Gin Kings habang isi­nusulat ito.

Kaagad na inilista ng Boos­­ters ang 30-18 lamang sa first period mula sa kanilang 4-of-6 shoo­ting sa 3-point range bago na­­kalapit ang Clickers sa half­time, 43-46.

Isang 21-0 atake ang gi­nawa nina Yeo, Arwind San­tos, Alex Cabagnot, De­nok Miranda at Rob Re­yes para muling ilayo ang Pe­tron laban sa Shopinas.com sa 67-43 sa 5:29 ng third quarter.

Petron 102 - Santos 18, Yeo 16, Cabagnot 16, Gue­varra 12, Miranda 12 Reyes 7, Sharma 6, Do­ruelo 5, Agustin 4, Baclao 4, Ildefonso 2.

Shopinas.com 77 - Ri­tualo 17, Jazul 16, Sena 13, Mirza 7, Se 6, Menor 5, Aquino 5, Sison 4, Espiritu 4, Hermida 0, Duncil 0, Daa 0, Hubalde 0.

Quarterscores: 30-18; 46-43; 76-52; 102-77.

Show comments