^

PSN Palaro

Blackwater, RnW Pipes umiskor

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang mga shoo­ters ng Blackwater pa­ra maisulong ang 3-0 re­kord mula sa 92-86 ta­gumpay laban sa Café Fran­ce sa PBA D-League As­pirants’ Cup kahapon sa Ly­ceum Gym.

Gumawa ng 18 puntos si Jeric Fortuna, habang si­na Isiah Ciriacruz at Clark Bau­tista ay may 17 at 16 pun­tos, ayon sa pagkaka­su­nod, para masolong muli ng Elite ang liderato.

Sina Ciriacruz at Bautista ang nagsanib ng puwer­sa sa third period nang iwa­nan ng Elite ang Bakers matapos ang first half.

“Masama ang shooting na­min pero hindi nagpabaya ang mga bata sa bawat pos­session. Key to this win was we stayed in control, “ wi­ka ni coach Leo Isaac.

Angat lamang ng isa ang Elite, 53-52, nang mag­pa­kawala ng mga tres sina Ci­riacruz at Bautista para ma­tapos ang ikatlong yugto na angat ang nasabing ko­ponan ng 73-62.

Lumayo pa sa 92-73 ang Elite may dalawang mi­nuto na lamang sa orasan ba­go lumamya ang depen­sa para mabawasan ang ka­lamangan sa anim.

Sa ikalawang laro, nag­bu­nga naman ang pag-a­ta­ke ni Kevin Racal sa de­pensa ng DUB Unlimi­ted nang maipasok ang go-ahead basket patungo sa 78-77 panalo ng RnW Pacific Pipes.

Inangkin ni Racal ang 10 sa huling 12 puntos ng kanyang koponan para sa kanilang panalo.

vuukle comment

BAUTISTA

CLARK BAU

D-LEAGUE AS

ISIAH CIRIACRUZ

JERIC FORTUNA

KEVIN RACAL

LEO ISAAC

PACIFIC PIPES

SHY

SINA CIRIACRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with