^

PSN Palaro

Peek hindi makakalaro sa Texters

- Ni Russel Cadayona -

MANILA, Philippines - Maglalaro ang nagdedepensang Talk ‘N Text na wala si power forward Ali Peek.

Ito ay matapos mabaril ang 6-foot-4 Fil-Am sa batok mula sa isang suspek na nagtangkang pagnakawan siya sa labas ng RFM Gym sa Pioneer St., Mandalu­yong City noong Lunes ng gabi.

Ang naturang suspek ay napansin na ng mga naglalaro sa RFM gym na pa­gala-gala bago ang pagkabaril sa mas­kuladong si Peek.

Ang bala ay kasalukuyan pang naka­ba­on sa bungo ni Peek.

Sinabi ni Tropang Texters’ head coach Chot Re­yes na si Peek mismo at ang kan­yang ina ang magdedesisyon kung ipa­­patanggal ang naturang bala o iiwanan na lamang sa kanyang bungo. 

 Si Peek ay nagpapagaling na sa Me­dical City sa Pasig.

Naglatag na si Talk ‘N Text team ow­ner Manny V. Pangilinan ng pabuyang P500,000 para sa anumang impormas­yon at pagka­kahuli sa suspek.

“He’s a very strong person, but obviously these things have a way of getting to you,” wika ni Reyes sa panayam ng ANC. 

“He’s in a state of what I might call se­mi-shock. The enormity of what happened is just starting to sink in,” dagdag pa ng men­tor kay Peek.

Nakatakdang sagupain ng Tropang Tex­­ters ang Powerade Tigers ngayong alas-7:30 ng gabi sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Smart-Ara­neta Coliseum.

Tangan ng Rain or Shine ang liderato sa kanilang 6-1 kartada kasunod ang Talk ‘N Text (5-1), Barako Bull (5-2), Meralco (5-3), Petron Blaze (4-3), Barangay Gi­nebra (3-4), B-Meg (3-4), Powerade (3-4), Alas­ka (1-6) at Shopinas.com (0-7).

Sa unang laro sa alas-5:15 ay magtatagpo naman ang Boosters at Clickers, naghahanap ng kanilang kauna-unahang panalo.

vuukle comment

ALI PEEK

BARAKO BULL

BARANGAY GI

CHOT RE

MANNY V

N TEXT

PETRON BLAZE

PHILIPPINE CUP

PIONEER ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with