Pag-ingatan ang istilo ni Juan Manuel Marquez

LAS VEGAS – Kung may bentahe mang nakikita si boxing great Oscar Dela Ho­ya kay Juan Manuel Mar­quez laban kay Manny Pac­quiao, ito ay ang pagi­ging counter-puncher ng Me­xican fighter.

“Manny has to be careful with his style,” ani De La Ho­ya sa kanyang pagbisita kay Pacquiao sa Wild Card Gym kahapon. “Marquez’s style can make it complica­ted for Manny.”

Maghaharap sina Pac­quiao at Marquez sa ikat­long pagkakataon sa Ling­go (Manila time) dito sa MGM Grand Arena.

Si Marquez ang pinaka­hu­ling boksingero na halos ma­katalo kay Pacquiao sa ka­nilang rematch noong 2008.

Winakasan na ni Pacquiao ang kanyang huling spar­ring session nang dumating si Dela Hoya sakay ng kanyang itim na Bentley at agad na dumiretso sa gym na maraming beses na niyang nabisita.

Nagkamayan ang dalawang boxing superstars, nag­laban noong 2008 kung sa­an nanaig si Pacquiao via ninth-round TKO, at sag­­lit na nag-usap.

“Manny is stronger, fas­ter now, and Marquez is 38 years old. Manny right now is too fast and too strong,” sa­bi pa ni ‘Golden Boy’.

Ang edad sa pagitan ng 32-anyos na si Pacquiao at ng 38-anyos na si Marquez ang makakaapekto rin sa ka­nilang laban.

“It will come into play. Mar­quez is 38 and the fact is that Marquez came up in weight too fast,” sabi ni Dela Ho­­ya sa Mexican na mas kom­­portableng lumaban sa 135 pound-limit.

Handa namang maki­pag­­sabayan si Marquez.

“Pacquiao is a great figh­ter, a spectacular fighter who’s coming for you,” wika ni Mar­quez. “We’re going to be ready for him, and if he ma­kes a mistake, we’re going to make him pay for it. The other guy (Floyd May­wea­ther) wouldn’t make a mis­take.”

Show comments