Depensa ng Meralco

We cannot beat the other teams relying simply on our offense.

Iyan ang nasabi ni coach Paul Ryan Gregorio ma­tapos na daigin nila ang crowd-favorite Barangay Ginebra, 93-87, noong Biyernes.

Well, sa totoo lang, lahat naman ng teams ay ga­noon ang prinsipyo. Hindi basta-basta puwedeng mag­wagi ang isang koponan kung shootout ang pag-u­usapan. Paulit-ulit namang sinasabi na “offense wins ga­mes but defense wins championships.”

Pero kung si Gregorio ang tatanungin, talagang de­pensa ang kanyang forte. Kahit na noong naging coach siya ng University of the Philippines Fighting Ma­roons, talagang ang gusto niya ay slow grind. Iyong pa­duguan bago makapuntos ang kalaban. Pero siyempre, kailangan din na may kamador siyang tagapuntos.

Ito pa rin naman ang naging sistema niya noong coach siya ng Purfoods Tender Juicy Giants (ngayo’y B-Meg Llamados). Ito’y sa kabila ng pangyayaring ang dami niyang scorers na tulad nina James Yap, Peter June Simon at Kerby Raymundo.

Hindi maitatatwang may balance sa offense at de­fense ang Purefoods.

Oo at higit na kilala si Yap bi­lang isang offensive player pero kapag tinokahan na siya ni Gregorio na dumepensa, makunat din itong si Yap sa kalaban.

Ito ang gusto niyang ilatag sa Meralco at unti-unti ngang nagagawa ng Bolts ang nais ni Gregorio.

Ang masaklap lang kasi noong nakaraang linggo ay ang pangyayaring tinambakan sila ng Rain or Shine Elasto Painters ng 44 puntos, 139-95. Biruin mong na­kaiskor ka na ng 95 puntos pero 44 puntos pa rin ang kalamangan ng kalaban!

Nasaan ang depensa dun?

Mataas daw ang shooting percentage ng Elasto Painters at kitang-kita ito sa stats. Gumawa sila ng 22 sa 32 three-pointers (68 percent) at 31 sa 48 field gols (64 percent).

Ginalingan daw nang husto ng mga ba­ta ni coach Joseller ‘Yeng’ Guiao at apat lang sa 13 manlalarong ginamit niya ang hindi nakagawa ng three-pointers.

Kahit ba gaanong katindi ang shooting ng kalaban, kung dumepensa ang katunggali nito, alangan namang makatsamba ng ganoon?

So ibig sabihin ay nalingat ang Meraco Bolts. Na­wala ang kanilang konsentrasyon sa depensa at pi­nabayaan nilang kumawala ang kalaban. Baka nga pi­nanood na lang nila kung gaano kahusay pumuntos ang Elasto Painters.

Ito ang nais na maiwasan ni Gregorio sa mga susunod nilang games. Kailangan kasi na ang depensa ay mula umpisa hanggang dulo. Hindi ito parang gripo na nakasara’t bubuksan o sasarhan ulit. Kailangang con­sistent ito sa kabuuan ng laro.

Mahirap talagang gawin ito, eh. Kasi ang lahat ng basketbolista ay natural na offensive-minded.

Kailangan kasing isapuso ang depensa. Kailangang buo ang konsentrasyon kapag ito ang pinag-uusapan.

Kailangan ding ang lahat ng nasa hardcourt ay ito ang direksyon. Kasi kapag nabutas ang isa, sunud-sunod na bibitaw ang mga kakampi niya.

Malayo pa ang lalakbayin ng Bolts. Maisasapuso din nila ang nais mangyari ni Gregorio.

* * *

HAPPY birthday kay Angela Pascua-Revilla na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, November 8. Gayundin kay Rhea Navarro sa November 12.

Nawa’y mabusog n’yo kami.

Show comments