^

PSN Palaro

Dating snooker champion pasok sa finals ng Women's World 10-Ball

-

MANILA, Philippines - Umiskor si Kelly Fisher ng Great Bri­tain ng isang 9-4 panalo laban kay Yu Han ng China upang angkinin ang unang finals berth sa 2011 Yalin Wo­men’s World 10-Ball Championship sa Ro­binson’s Galleria.

Ipinagpag ng 33-anyos na si Fisher ang pagkakatabla ni Yu sa 3-3 para sa kan­yang finals appearance.

Ito ang unang pagkakataon na na­karating sa finals ng anumang pool events si Fisher, dating snooker at English billiards champion.

"I made the semifinals of the World 9-Ball event once but I never made it as far as the finals like now, that's why I'm so excited and happy to be here," wika ni Fisher.

Huling nagreyna si Fisher noong 2008 sa WBPA Pacific Coast Classic.

Umabante si Fisher sa finals na wa­lang nalasap na kabiguan.

Hangad ni Fisher na sundan ang mga da­ting kampeong sina Rubilen Amit at Jas­min Ouschan ng Austria.

Si Amit ang nagwagi sa unang edisyon ng torneo noong 2009 kasunod si Ouschan no­ong 2010.

Premyong $20,000 ang naghihintay sa mag­kakampeon sa torneo.

Winalis ni Fisher ang Group Five mula sa kanyang 5-0 record kagaya ni Norweigian Line Kjorsvik, ginitla ni Korean Ga Young Kim, 4-8, sa round-of-16.

Kabilang sa mga binigo ni Fisher ay sina Ja­panese Akimi Kajitani, 8-3, at Taiwanese Hui Shian Lai, 8-5.

Lalabanan ni Fisher sa finals ang mana­naig sa pagitan nina Korean Ga Young Kim, ang 2010 runner-up, at Taiwanese Tsai Pei Chen, sumibak kay Amit, 8-7, sa quar­terfinals.

AKIMI KAJITANI

BALL CHAMPIONSHIP

FISHER

GREAT BRI

GROUP FIVE

KELLY FISHER

KOREAN GA YOUNG KIM

NORWEIGIAN LINE KJORSVIK

OUSCHAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with