^

PSN Palaro

Barako Bull inubos ang lakas ng Powerade

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos mabalam ang kanilang three-ga­me winning streak, na­kabalik sa kanilang da­ting porma ang Ener­gy para masolo ang pa­ngat­long puwesto.

Matapos kunin ang isang 14-point lead sa first period ay dumiretso na ang Barako Bull sa 117-78 paglampaso sa Po­werade sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart-Ara­neta Coliseum. 

Bago igupo ang Tigers ay nagmula muna ang Energy sa isang 72-93 kabiguan sa Aces no­ong Nobyembre 3. 

“This is a team of vete­rans and rookies and they just wanted to show that they are of capable of boun­cing back from that humbling loss to Alaska,” sabi ni head coach Junel Baculi sa kan­yang koponan.

Dala ngayon ng Barako Bull ang 5-2 baraha sa ila­lim ng Rain or Shine (6-1) at nagdedepensang Talk ‘N Text (4-1) ka­sunod ang Me­ralco (5-3), Petron Blaze (4-3), Barangay Ginebra (3-3), Powerade (3-4), B-Meg (3-4), Alaska (1-6) at Sho­­pinas.com (0-7).

Kasalukuyan pang nag­­la­laro ang Tropang Tex­­ters at ang Gin Kings habang isi­nusulat ito.

Mula sa 22-6 lamang ay pinalaki ng Ener­gy ang kanilang ben­­tahe laban sa Tigers, nagmula sa 108-94 paggupo sa Boos­­ters noong Oktub­re 30, sa halftime, 62-29.

Humakot ang Barako Bull ng 35 points sa kabuuan ng se­cond quar­ter mula kina Sunday Salvacion, two-time PBA Most Valuable Pla­yer Willie Mil­ler, Paul Ar­tadi, Leo Avenido at Dan­ny Seigle kasabay ng paglimita sa Po­werade sa 16 markers.

Isinara ng Energy ang third period bitbit ang mala­king 90-47 abante kontra sa Tigers.

Dalawang magkasu­nod na three-point shots nina Avenido at rookie Dy­lan Ababou at jumper ni Don Allado ang nagpa­lobo sa la­mang ng Barako Bull sa 100-49 sa 9:30 ng fi­nal canto.

Ipinoste ng tropa ni Ba­­cu­li ang pinakamalaki nilang bentahe sa 53 points, 105-52, sa 8:22 sa la­ro galing sa dalawang freethrows ni rookie Paul So­rongon. 

Pinangunahan ni Sal­vacion ang Energy mu­la sa kanyang 20 points kasu­nod ang 16 ni Miller, 14 ni Ar­tadi, 12 ni Avenido at 11 ni Sei­gle.

Umiskor si Se­an Antho­ny ng 13 mar­kers para sa Ti­gers.

Nalimita si Ga­ry David sa 5 points ma­tapos ku­ma­big ng game-high 42 mar­kers sa kanilang panalo la­­ban sa Petron Blaze.

Barako Bull 117 - Salvacion 20, Miller 16, Artadi 14, Avenido 12, Seigle 11, Sorongon 7, Ababou 7, Arboleda 7, Pennisi 6, Allado 6, Salvador 4, Pe­ña 4, Gatumbato 3.

Powerade 78 - Antho­ny 13, Kramer 12, Lassi­ter 9, Antonio 9, Martinez 7, Vanlandingham 7, Ca­li­mag 6, David 5, Casio 4, Lingganay 2, Allera 2, Cri­sano 2, Cruz 0.

Quarterscores: 27-13; 62-29; 90-47; 117-78.

vuukle comment

ABABOU

ANTHO

AVENIDO

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DON ALLADO

ENER

GIN KINGS

PETRON BLAZE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with