^

PSN Palaro

Pinoy booters naisahan ng Vietnam

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Lumaylay ang depensa ng Philippine Under-23 football team sa second half na nagresulta sa kanilang 1-3 pagyukod sa Vietnam sa pagsisimula kahapon ng football competition ng 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia.

Ang goal ni Fil-German Manny Ott sa 37th minute ang nagbigay sa Young Azkals ng 1-0 bentahe sa first half.

Sinamantala naman ng Vietnam, ang 2009 SEA Ga­mes silver medalist, ang paghina ng depensa ng national booters sa second half mula sa kanilang goal sa 57th minute at 72nd minute.

Ang Vietnam ay kasalukuyang No. 134 sa FIFA ran­kings.

Nakaharap ng Vietnam ang Philippine Azkals, kina­bibilangan nina Phil at James Younghusband, Aly Bor­romeo, Anton Del Rosario at Neil Etheridge, noong 2010 AFC Suzuki Cup kung saan nanaig ang huli, 2-0.

Ang Younghusband siblings at sina Borromeo at Del Rosario ay hindi kasama sa Young Azkals sa SEAG.

ALY BOR

ANG VIETNAM

ANG YOUNGHUSBAND

ANTON DEL ROSARIO

DEL ROSARIO

FIL-GERMAN MANNY OTT

JAMES YOUNGHUSBAND

NEIL ETHERIDGE

PHILIPPINE AZKALS

YOUNG AZKALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with