^

PSN Palaro

Superchargers giniba ang Steelers, sumalo sa itaas

-

MANILA, Philippines - Nakitaan ng mas ma­gandang shooting ang Big Chill sa debutanteng RnW Pacific Pipes tungo sa madaling 70-48 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Trinity University of Asia sa Quezon City.

May 17 puntos si Raffy Reyes habang pinaghatian naman nina Alex Mallari at Jessie Collado ang 22 puntos at ang una ay mayroon ding 10 rebounds para sa mas balanseng pag-atake ng Superchargers.

“Maganda ang shoo­ting namin sa game na ito at nakita ko ang mga gusto kong makita sa team. Malakas ang RnW pero first game lang nila ito at nagkakapaan pa,” wika ni Superchargers coach Arsenio Dysangco.

Ang panalo ay ikala­wang sunod sa Big Chill para makasalo sa maagang liderato na tangan ng pahingang Blackwater.

Hindi nakasabay sa kabuuan ng labanan ang Steelers na hindi nakasama ang coach na si Topex Robinson dahil nasa Cebu ito kasama ang PBA team Alaska Aces.

Ang bagay na ito ay la­long nakaapekto sa takbo ng laro ng koponan at ta­nging si Kevin Racal lamang ang nakaiskor ng doble pigura sa kinamadang 10 puntos.

Sina Jim Viray at Ver­gel Zulueta na kilala sa kanilang shooting ay nakontento sa tig-pitong puntos at ang Steelers ay nagtala ng 19 turnovers tungo sa 20 puntos ng Big Chill.

Nalaglag ang Steelers sa 0-1 karta at nakasalo sa PC Gilmore at Café France.

Big Chill 70 – Reyes 17, Collado 11, Mallari 11, Tan 9, Ponferada 8, Dizon 8, Glorioso 4, Custodio 2, Maconocido 0, Mangahas 0, Galinato 0, Morillo 0.

RnW Pacific Pipes 48 --Racal 10, Viray 7, Dela Cruz 7, Ilagan 5, Importante 5, Marquez 5, Zulueta 4, Del Rio 3, Antonio 2, Miranda 0.

Quarterscores: 17-7, 30-21; 56-33; 70-48.

ALASKA ACES

ALEX MALLARI

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

D-LEAGUE ASPIRANTS

DEL RIO

DELA CRUZ

JESSIE COLLADO

KEVIN RACAL

PACIFIC PIPES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with