MANILA, Philippines - Pinapanigan ng mga bihasa sa bilyar si Dennis Orcollo para manalo kay Ralf Souquet ng Germany sa gagawing Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series bukas sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.
Si Charlie Williams ng Dragon Promotions at kaibigan ni Souquet ang naglalagay ng kanyang pusta kay Orcollo, ang kasalukuyang number one ranked player ng World Pool Association (WPA).
“Ralf won the last time they played and base from experience, it’s hard to beat a great player twice in a row,” wika ni Williams.
Nanaig ang German pool wizard kay Orcollo sa finals ng World Pool Masters noong Setyembre sa Manila sa 8-5 iskor.
Ang tagisan ay gagawin sa race to 9 gamit ang mahirap na larong 10-ball at ang mga mahihilig sa bilyar ay maaring maglagay ng kanilang pusta sa alinmang manlalaro gamit ang MegaSportsWorld betting stations.
Angat si Orcollo kay Souquet, -2.5 laban sa +2.5 pero maaring mag-iba ang pustahan kapag dumating ang araw ng tagisan.
Si Souquet ay dumating kahapon mula Frankfurt, Germany at nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para manalo.
Ang larong ito ang una sa serye ng one-on-one labanan sa pagitan ng mga dayuhan at pambato ng bansa na inorganisa ng Mega Sports World at BRKHR Corp katuwang ang PAGCOR, PCSO, ACCEL, Diamond Table, Predator cues, Simonis cloth, Malungai Life Oil, I-Bar, Human Plus Probiotics, Golden Leaf Restaurant, Hermes Sports, Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) at Philippine Star bilang official media partner.
Tinalo ni Rubilen Amit sina S. M. Liu ng China at J. Wu ng Chinese-Taipei sa magkaparehong 6-4 panalo upang makapasok sa Last 24 ng 2011 Yalin World Wo men’s 10-Ball Championship kahapon sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.
Sunod na makakalaban ng inaugural champion na si Amit, makakasama sina Ga Young Kim ng Korea at Kelly Fisher ng Great Britain sa last 24, si Monica Webb ng USA.
Unang pinayukod ni Amit si Natalya Seroshtan ng Russia, 6-2, sa first round sa Group 1 noong Miyerkules.
Binigo ni Kim ang kababayang si Y. M. Lim, 6-4, M. Fuke ng Japan, 6-3, at kontra kay Emi ly Duddy ng USA, 6-2, sa Group 4, habang nanalo si Fisher kina E. J. Park ng Korea, 6-5, E. Shakori ng Japan, 6-0, at X. Chen ng Chinese-Taipei, 6-5, sa Group 5.