^

PSN Palaro

Fila suportado ang Pinoy jins na lalahok sa Winter Games

-

MANILA, Philippines - Suportado ng isa sa mga pinakamalaking sports­wear manufacturing companies sa buong mundo ang isports sa Pilipinas at lahat ng atletang Pinoy.

Ang isang koponan na sinuportahan ng Fila ay ang delegasyon ng Pilipinas sa 4th Chicago International Taekwondo Winter Games sa Norridge, Illinois sa Nobyembre 11-13.

Ang Fila, na nagdiriwang ngayong taon ng kanyang sentenaryo, ang gumawa ng official uniform ng national team--comme­morative shirt na nagpapa­kita ng mga national symbols at mga simbolo ng torneo.

Ang mga miyembro ng taekwondo team ang nagbigay sa Fila ng mga artwork at graphics na siya namang ginamit ng kumpanya para sa pinal na disenyo.

Ayon kay FILA President Martin Albert, ang “Fila”sophy ng kumpanya ay simple lamang: ang isport at buhay ay iisa at magkapareho, at ang isport ay ang “art of being fit.”

Naniniwala si Albert na ang mga kabataang atleta ng taekwondo team ay kumakatawan sa core values ng Fila na pagiging totoo (Authenticity), kahusayan (Performance), at istilo (Style).

vuukle comment

ANG FILA

AYON

CHICAGO INTERNATIONAL TAEKWONDO WINTER GAMES

FILA

NANINIWALA

NOBYEMBRE

NORRIDGE

PILIPINAS

PRESIDENT MARTIN ALBERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with